UST target solong liderato vs Adamson

MANILA, Philippines — Nakakuha ng atensyon ang University of Sto. Tomas sa dalawang sunod na panalo nila pero para kay head coach Pido Jarencio ay nagpo-focus sila sa kada laro nila.
Nakatakdang harapin ng UST ang Adamson University ngayong alas-2 ng hapon sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Kasalo ang Growling Tigers sa five-way tie sa top spot tangan ang tig-2-1 karta, subalit para kay coach Jarencio ay marami pa silang dapat ayusin at trabahuhin para marating ang kanilang mga layunin sa Season 89.
Kasiksikan ng UST sa tuktok ang University of the Philippines, Far Eastern University, Ateneo de Manila University at National University.
Magbabanatan naman ang Blue Eagles at Bulldogs sa alas-5:30 ng hapon.
- Latest
















