Nakagugulat na katotohanan tungkol sa trabaho
l Mas doble ang tsansang maaksidente ng taong sa gabi ang schedule ng pagtatrabaho kaysa taong sa araw nagtatrabaho.
l Sa bawat 1,470 natatanggap na application letter ng employer, isa lang ang kanyang iha-hire doon.
l Sa US, bago maging batas ang Pregnancy Discrimination Act noong 1978, ang isang babaeng Amerikano ay puwedeng tanggalin sa trabaho kapag nabuntis siya.
l Sa Russia, ang mga babae ay hindi puwedeng magtrabaho bilang truckers, ship captain, at iba pang 456 na trabaho dahil sobrang mapanganib ang mga trabahong nabanggit ayon sa kanilang gobyerno.
l Sa China, hindi pinapayagang maging minero ang mga babae dahil mahina sila sa pagbubuhat ng mabigat at hindi maliksing kumilos para iligtas ang sarili sakaling magkaroon ng pagguho ng lupa o anumang aksidente.
l Ang 10 kinikilalang best jobs in the world: Ben and Jerry’s Flavor Guru (nag-iimbento ng flavour ng ice cream); Water slide tester; Private Island Caretaker; Jack Daniel’s Taster; Netflix Tagger (tagapanood ng movie tapos sila ang magdedesisyon kung saang genre ika-category ang movie upang mabilis itong mahanap ng viewers na naghahanap ng mapapanood); Fortune Cookie Writer; Panda Nanny; Luxury Bed Tester; Video Game Tester; Google Trike Street View Team Member.
l Ayon sa mga scientists, ang isang tao ay dapat na nagtatrabaho hanggang edad 80 ngunit 25 hours lamang per week upang manatiling maayos ang kanyang pangangatawan at kilos.
l Hindi makabubuti ang multitasking sa trabaho dahil nakakababa ito ng IQ ng 10 points.
l Ang pagtatrabaho kahit lampas na sa retirement age ay may positibong epekto: Naroon pa rin ang pakiramdam na may pakinabang pa rin sa kanila ang mundo at patuloy pa rin ang kanilang social life.
- Latest















