^

PM Sports

Tigresses tatapusin ang kamalasan

Nilda Moreno - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Galing sa two-game losing skid ang University of Sto. Tomas kaya nasa kukote nila na kalsuhan ang kamalasan pagharap nila sa tigasin din na De La Salle University sa second round ng UAAP Season 87 volleyball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum, ngayong araw.

Magsisimula ang banatan ng UST at La Salle sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Ateneo at Adamson sa ala-1 ng hapon.

Malaking tulong ang mga bataan ni UST head coach Emilio Reyes Jr. na sina Angeline “Angge” Poyos at Regina Grace Jurado para maibalik sa porma ang kanilang koponan.

Maliban sa pagputol ng kamalasan ay nais din ng UST na sukiin nila ang La Salle na tinalo nila sa first round noong Pebrero 26.

Yumuko ang UST sa top two teams na defen­ding champion National University (8-1) at Far Eastern University (6-3) sa huling dalawang laro nila kaya nasa No. 3 spot sila ng team standings kasalo ang kanilang makakatunggali.

Maganda ang ipinakitang laro ni Jurado nang magtala ng 20 puntos kasama ang 15 excellent digs pero kinapos pa rin ang UST

Kaya kailangan mag doble kayod sina Jurado at Poyos upang masungkit ang inaasam na panalo at manatiling nasa loob ng magic four maging sina Maribeth Hilongo at Mary Margaret Banagua ay dapat magdeliber sa puntusan.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with