^

PM Sports

Pagsubok kay Brownlee

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Pagsubok kay Brownlee
Justin Brownlee.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nahaharap sa alegasyon ng anti-doping violations ang Gilas Pilipinas naturalized player na si Justin Brownlee.

Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon na nakatanggap si Brownlee ng “notice of an adverse analytical finding” sa isa kanyang random test kaya nasa ilalim ng panibagong kuwestiyon.

Ang AAF ay posibleng positive test result sa probibited substances ng World Anti-Doping Agency, ayon sa website ng US Anti-Doping Agency.

Hindi pa malinaw kung saang laro o torneo suma­ilalim sa drug test si Brownlee at kung anong substance di umano ang nakita sa kanya pero ayon sa SBP ay inaayos na ito ni Brownlee.

“Brownlee is currently dealing with the situation aided by his US-based lawyers,” anang SBP sa pahayag.

Matatandaang noong 2023 ay nakuwestiyon din si Brownlee matapos mag-positibo umano sa Carboxy-THC, isang compound na konektado sa cannabis, pagkatapos ng kampanya ng Gilas sa Asian Games tampok ang unang gintong medalya ng bansa matapos ang 61 taon.

May karapatan sanang umapela si Brownlee at i-test din ang kanyang B-sample subalit mas piniling gugulin nalang ang tatlong buwan na provisionary suspension.

Sa kabila ng lahat ng ito ay nilinaw ng SBP na wala pang pormal na hatol ang FIBA, kung masususpinde ba ulit si Brownlee na magiging malaking dagok sa Gilas papalapit sa FIBA Asia Cup sa Agosto sa Saudi Arabia.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->