Pinoy spikers laglag sa AVC classification stage
MANILA, Philippines — Laglag ang Alas Pilipinas men’s national volleyball team sa classification stage nang malasap ang 19-25, 25-23, 28-30, 20-25 kabiguan sa Chinese-Taipei sa AVC Men’s Nations Cup noong Miyerkules ng gabi sa Manama, Bahrain.
Pinamunuan ni Marck Espejo ang Alas men’s squad sa kanyang 26 points bukod sa 11 receptions, habang may 15 markers si Leo Ordiales.
Nauna nang nakatikim ang mga Pinoy spikers ng 18-25, 12-25, 25-18, 22-22 pagyukod sa Pakistan sa una nilang laro sa Pool C at tuluyan nang nasibak para sa quarterfinal round.
Pasok ang Chinese Taipei at Pakistan sa quarterfinals.
Ito ang ikatlong sunod na taon na bumagsak ang Alas Pilipinas men’s team sa classification stage ng regional tournament.
Lalabanan nila para sa No. 9 hanggang No. 11 place ang mga lowest-ranked teams mula sa Pool A at D sa pagtatapos ng pool play kahapon.
Nagtapos ang mga Pinoy hitters sa ika-10 puwesto sa huling dalawang edisyon ng Nations Cup, dating Challenge Cup.
- Latest