Suns kinaldag ng Rockets

PHOENIX - Nagbagsak si Fil-Am Jalen Green ng 33 points para banderahan ang Houston Rockets sa 148-109 pagpapabagsak sa Suns kung saan nagkaroon si Kevin Durant ng left ankle injury sa third period.
Ito ang ika-12 panalo ng Houston (49-26) sa huling 13 laro para upuan ang No. 2 spot sa Western Conference standings kasunod ang Denver Nuggets.
Nagdagdag si Alperen Sengun ng 16 points habang tumipa si rookie Amen Thompson ng 12 points, 10 rebounds at 9 assists.
Bumagsak sa sahig si Durant sa 6:57 minuto ng third quarter matapos matapakan ang paa ni Jabari Smith Jr. kung saan naiwanan na sa laro ang Phoenix (35-40).
Nagtala si Durant ng 11 points at may 28 markers si Devin Booker sa ikatlong sunod na kamalasan ng Suns na naungusan ng Dallas Mavericks para sa final play-in spot sa West.
Sa San Antonio, bumira si Brandin Podziemski ng 27 points at may 13 markers si Stephen Curry sa 148-106 pagmasaker ng Golden State Warriors (43-31) sa Spurs (31-43).
Sa Minneapolis, umiskor si Julius Randle ng 26 points kasunod ang 25 markers ni Anthony Edwards sa 123-104 pagkagat ng Minnesota Timberwolves (43-32) sa Detroit Pistons (42-33) tampok ang muntikan nang rambulan sa second period.
Sa Milwaukee, bumira si Zaccharie Risacher ng season-high 36 points sa 145-124 paglampaso ng Atlanta Hawks (36-38) sa Bucks (40-34).
- Latest