^

PM Sports

Next Time rumemate sa 3YO Imported Horse race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan sa karerahan ang ipinakitang husay ng Next Time matapos sikwatin ang korona sa MMTCI-sponsored race 3-Year-Old Imported Horse sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Ba­­tangas noong Linggo ng hapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Tabby Kat para hawakan agad ang bandera subalit dinikitan ito ng Next Time na gi­na­bayan ni John Alvin Gu­ce.

Naging agresibo ang Tabby Kat sa kaagahan ng karera kaya naman nailayo nito ng tatlong kabayo ang agwat sa pumapanga­lawang Next Time sa kalagitnaan ng karera.

Papalapit ng far turn ay umabot pa sa limang ka­bayo ang lamang ng Tabby Kat sa Next Time at sa Glassgow Kiss na ma­lakas ang dating.

Pero hindi nagpabaya ang Next Time, uminit ang labanan sa unahan nang magsimulang rumema­te ang winning horse at ma­kadiklit sa Tabby Kat pagsapit ng huling kurbada.

Sa huling 100 metro ng karera sa rektahan ay umungos sa unahan ang Next Time na dumaan sa ta­bing balya upang tawirin ang meta na may tatlong kabayo ang abante sa pu­mangalawang Malagu, pu­mangatlo ang Glassgow Kiss, habang pang-apat ang Tabby Kat.

Inirehistro ng Next Time ang 1:40.8 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ni winning horse owner Melvin Ray­mundo ang P240,000 sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission.

Nasilo ng Malagu ang second place prize na P90,000 at may P50,000 at P20,000 ang third at fourth placers na Glassgow Kiss at Tabby Kat, ayon sa pagkakasunod.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with