^

PM Sports

Beermen, Fiberxers agawan sa semis slot

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Beermen, Fiberxers agawan sa semis slot
Muling magtutuos sa huling pagkakataon sina imports Jalen Jones ng Converge at EJ Anosike ng San Miguel sa Game 5.
PBA

MANILA, Philippines — Isa pang winner-take-all Game 5 ang sisiklab sa pagitan ng San Miguel at Converge para sa huling tiket ng 2024 PBA Go­vernors’ Cup Final Four ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nakatakda ang huling bakbakan sa alas-7:30 ng gabi at kung sino mang lulusot ay aabante sa best-of-seven semifinals kontra sa abangers na Barangay Ginebra.

Nauna na sa Final Four ang Gin Kings matapos walisin ang karibal na Meralco Bolts, 3-0, sa kanilang sariling best-of-five quarterfinal series.

Subalit kabaliktaran ang nangyari sa katapat nilang bracket matapos burahin ng FiberXers ang 0-2 series deficit kontra sa Beermen upang makapuwersa ng winner-take-all Game 5.

Nagmitsa ito sa Game 3 kung saan namuro ang SMB na makumpleto ang 3-0 sweep subalit bumalikwas ang Converge para baklasin ang pambihirang 27-point deficit sa second half.

Umeskapo ang Converge, 114-112, matapos ang game-winner ni Alec Stockton bago umisa pa sa Game 4, 114-100.

Kumamada sina Schonny Winston, Justin Arana at import na si Jalen Jones ng 26, 25 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod, upang banderahan ang krusyal na panalo ng mga bataan ni coach Franco Atienza.

Ngayon, hindi na paaawat ang FiberXers para sa asam na semifinal spot kahit pa hindi pa nakakasama ang No. 1 overall rookie pick na si Justine Baltazar na tinatapos muna ang kampanya para sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL.

Matatandaang na­ngulelat din ang Converge sa katatapos lang na 48th Season bago ang pambihirang pagbabalik ngayong Season 49 kahit pa katapat ang powerhouse at Commissioner’s Cup champion na SMB. (JB Ulanday)

Determinado namang makaiwas sa silat na kabiguan ang Beermen at potensyal an early exit sa quarterfinals pa lang sa pangunguna ni import EJ Anosike na nauwi saw ala ang 35 puntos sa Game 4.

Sa kabuuan, ito na ang ikatlong sunod na kabiguan ng SMB ngayon linggo matapos din ang 87-81 pagkatalo kontra sa Suwon KT Sonicboom sa opener ng 2024-2025 EASL kaya siguradong gigil na makabawi.

Upang magawa ito ay kakakailanganin ni Anosike ang tulong nina 8-time PBA MVP June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, CJ Perez, Jericho Cruz, Terrence Romeo at Don Trollano para sa mga bataan ni coach Jorge Gallent.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with