Best times para uminom ng tubig
AYON sa isang research, bukod sa umiinom ka ng tubig tuwing nauuhaw, may right timing ang pag-inom nito upang makamtan ang mas malaking pakinabang tungo sa magandang kalusugan.
1. Pag-inom ng isang basong tubig pagkagising sa umaga: Pinasisigla ang internal organs.
2. Pag-inom ng isang basong tubig 30 minuto bago kumain ng tanghalian at hapunan: Nagiging mabilis ang pagtunaw sa pagkain.
3. Pag-inom ng isang basong tubig bago maligo: Nakakatulong sa pagpapababa ng mataas na blood pressure.
4. Pag-inom ng isang basong tubig bago matulog: Malaki ang tsansa na maiwasan ang stroke or heart attack.
5. Uminom ng tubig kung nakakadama ng gutom. Kung minsan, nauuhaw lang pala at hindi nagugutom.
6. Uminom ng tubig bago mag-workout para maiwasan ang dehydration.
7. Uminom ng tubig pagkatapos ng workout.
8. Uminom ng tubig kapag may sakit.
9. Uminom ng tubig kapag nakakadama ng pagod.
- Latest



















