Mga gagawin kapag sumasakit ang tuhod
KUNG kayo ay overwieght, mas maagang sasakit ang tuhod. Kung kayo ay sobra sa ehersisyo, puwedeng sumakit ang tuhod.
Narito ang mga gagawin at dapat iwasan kapag sumasakit ang tuhod:
1. Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag nakaupo.
2. Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.
3. Huwag magbuhat nang mabibigat. Kung may bubuhatin, magpatulong sa kasama.
4. Huwag mag-high heels. Malaki ang stress nito sa tuhod.
5. Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa tuhod.
6. Kung sobra sa timbang, magpapayat. Hindi kaya ng tuhod ang bigat ng tiyan.
7. Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Mag-tsinelas ng makapal ang suwelas. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.
8. Palakasin ang masel sa hita. May mga ehersisyo para rito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang. Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.
9. Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.
10. Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk dahil marami itong calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.
11. Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, kumunsulta sa orthopedic surgeon o rheumatologist.
12. Hindi pa tiyak ang benepisyo ng Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay posibleng makabawas sa sakit tuhod at kasu-kasuan.
- Latest
















