^

True Confessions

Suklam (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Nagtapat na sa akin si Leah tungkol sa relasyon n’yo, Brent. Isa yan sa ikinatutuwa ko kay Leah, hindi siya nagtatago. Minsan lang siyang nagtago ng isang pangyayari pero na­unawaan ko siya. Iyon ay no­ong nagtaksil ang kanyang papa. Pero nagawa niya iyon dahil ayaw niya akong mag-worry habang nasa Hong Kong. Baka raw kung ano ang mangyari sa akin. Naunawaan ko siya. Maliban dun, wala na siyang ipinaglihim sa akin. Itinutu­ring ako ni Leah na hinga­han ng mga problema,’’ sabi ni Aling Perla.

“E di ang kuwento po ng aming buhay e naipagtapat na rin sa’yo?”

“Oo.’’

“Magkapareho ang story ano po?’’

“Oo. Hindi nga ako ma­ka­paniwala pero totoo palang may nagkakapareho ang istorya ng buhay—at para namang pinagtiyap na kayo ni Leah ang nagkakilala at nagkaibigan.’’

“Oo nga po. Nung ikuwento sa akin ni Leah ang nangyari sa inyo, hindi rin ako makapaniwala. Habang nagkukuwento siya, damang-dama ko ang nararamdaman niya. Nakaka-relate ako —naramdaman ko nang buung-buo.’’

“Ang naiba lang, hindi ko pinatawad ang papa niya. Ganun ako. Kapag nakagawa nang mabigat na kasalanan ang isang tao sa akin, hindi ko ma­papatawad. Magi­ging plastic lang ako sa sarili kapag pinatawad, pero sa aking isip ay na­roon pa rin ang gina­wang kasalanan.”

Napatangu-tango si Brent. Iginagalang niya ang mama ni Leah.

Maya-maya, lumapit si Leah. May dalang ma­init na kape at ensaymada.

“Magmeryenda ka muna, Brent,’’ sabi ni Leah.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with