^

True Confessions

Hiyasmin (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Baka busy sa pag-aaral si Hiyasmin kaya hindi nakakapag-text o tumatawag kay Dax. Ngayong ang pag-aaral na lang ang inaasikaso ni Hiyasmin, baka talagang pinaghuhusayan na. Gustong ipakita sa kanya ni Hiyasmin na hindi sayang ang perang ipinagkaloob para sa matrikula.

Maaring ganun ang nangyari at inuunawa naman ni Dax. Malaki naman ang tiwala niya kay Hiyasmin. Hindi siya lolokohin ni Hiyasmin. Wala sa itsura ni Hiyasmin na manloloko ng kapwa.

Lumipas pa ang isang linggo at walang text o call si Hiyasmin.

Hinayaan na lang ni Dax. Hindi siya nag-isip ng kung anu-ano. Itinuon niya ang sarili sa pagtatrabaho.

ISANG araw ng Linggo na wala siyang pasok, may tumawag mula sa labas. Naglalaba si Dax gamit ang washing machine ng mga sandaling iyon. Pamilyar sa kanya ang boses ng tumayawag.

Nagmamadali siyang sumilip sa pinto.

Si Hiyasmin!

Lumabas siya at binuksan ang gate.

“Good morning Sir Dax,’’ bati ni Hiyasmin.

“Good morning! Anong latest?’’

“Marami Sir Dax.’’

“Halika sa loob.’’

Pumasok sila.

“Maupo ka.’’

Naupo si Hiyasmin. May dinukot sa bag nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with