^

True Confessions

Hiyasmin (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Biglang may naalala si Dax nang makalabas ng gate si Hiyasmin. Tinawag ito.

“Hiyasmin itong susi mo nakalimutan kong ibigay!’’

Tumigil si Hiyasmin.

“Mabuti na may susi tayo pareho. Tiyak na mas ma­aga kang uuwi sa akin.’’

“Mga ala una po narito na ako.’’

“O kaya dapat may kanya-kanya tayong susi.’’

Iniabot ni Dax ang susi kay Hiyasmin.

“Ikaw na ang bahala mamaya dito sa bahay. Pakilabas na rin ang basura dahil alas kuwatro dumaraan ang garbage truck.’’

“Opo. Ako na ang bahala Sir Dax.’’

“Sige ingat.’’

Umalis na si Hiyasmin.

Pumasok na sa bahay si Dax at naligo. Papasok siya sa trabaho. Wala naman siyang fixed na oras sa trabaho pero gusto niyang maagang makara­ting sa opis. Mahirap maipit sa trapik.

Eksakto alas otso, umalis na siya ng bahay. Pasado alas nuwebe nasa opis na siya. Ma­sigla siyang nagtrabaho mag­hapon.

Pagsapit ng alas singko, umuwi na siya. Magluluto pa siya ng hapunan.

Pero pagdating sa bahay, nagulat siya nang maratnan na nagluluto na si Hiyasmin. Sinigang na bangus ang niluluto.

“Saan ka bumili ng ba­ngus?’’

“Sa talipapa po.’’

Humanga na naman si Dax. Maaasahan talaga si Hiyasmin. Hindi siya nagkamali sa pagpapasya na patirahin dito si Hiyasmin.

“Gusto mo ng kumain Sir Dax. Luto na po.’’

Nagulat si Dax.

“A e sige. Gutom na ako. Kumain na tayo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with