^

True Confessions

Hiyasmin (42)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Naliligo ako nang maramdaman na may kumakaluskos sa may pinto. Pinatay ko ang shower at nakiramdam. Buko sa ka­luskos, may naririnig pa akong hingasing na parang gigil ng manyak.

“Dahan-dahan akong nag­balot ng tuwalya sa katawan at bigla kong binukasan ang pinto. Sa lakas ng pagbukas ko, muntik nang masubsob ang manyakis kong stepfather na hawak ang kanyang ari. Kinilabutan ako sa ginagawa niya. Tama ang hula ko na kaya siya sumi­singasing ay dahil nagpaparaos.

“Nagtatakbo ako sa kuwarto. Nagbihis at saka ko kinatok ang kuwarto ni Mama. Isinumbong ko ang ginagawa ng aking stepfather pati na ang pagpapaligaya sa sarili habang sinisilipan ako.

“Pero walang lakas ng loob si Mama na kum­prontahin ang aking­ stepfather. Takot si Mama sa maaaring gawin ng aking manyakis na step­father. Kaya ako na lamang ang nag-iingat. Hindi na ako naliligo kapag ina­akala kong nasa bahay ang aking stepfather. Truck driver kasi siya at may pagkakataong nasa malayong biyahe.

“Ang mga pangyayaring iyon ang nagtulak sa akin para maghanap ng trabaho at nang makapag-aral sa kolehiyo. Gusto ko na ring makatakas sa bahay na iyon. Kung hindi ako aalis, baka mapahamak ako. Baka pasukin ako sa banyo at gahasain ng aking stepfather.”

“Kaya ka pumasok sa pabrika?’’

“Opo. Pero maski sa pa­b­rika ay may mga manyakis din.”

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with