^

True Confessions

Hiyasmin (23)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Gustong mapaiyak ni Hiyasmin habang nagkukuwento kay Dax pero pinipigilan nito ang sarili.

“Hindi ako maipagtanggol ni Mama sa asawa niya. Kaya kung hindi ako gagawa ng paraan ay baka magahasa ako ng manyakis niyang asawa. Hindi na ako maghihintay pa na may mangyari sa akin, Sir Dax.’’
“Ano ang naiisip mong paraan?’’ tanong ni Dax.

Hindi makasagot si Hiyasmin. Atubili.

“Sabihin mo at baka matulungan kita.’’

“Sir Dax, puwede bang patirahin mo ako rito. Alam kong mali ito pero ito na lang ang tanging paraan kong naisip. Tinulungan mo na ako sa pag-aaral, baka puwedeng isagad mo na ang tulong. Malapit na rin naman akong makatapos.’’

Hindi makasagot si Dax. Naguguluhan siya. Kaya nga hindi siya pumayag na maging kasambahay ito ay ayaw niyang may kasama pero eto at titira pa sa kanya.

“Maawa ka sa akin, Sir Dax.’’

Hindi malaman ni Dax ang isasagot kay Hiyasmin.

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with