^

True Confessions

Hiyasmin (43)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAGTRABAHO ako para suportahan ang aking pag-aaral. Pumasok ako sa isang pabrika ng Intsik na gumagawa ng mga sitsirya, sitsaron, mani at iba pa. Hindi maganda ang environment pero pinagtiyagaan ko para makapagpatuloy sa pag-aaral. Sabi ko sa sarili, matitiis ko ang hirap sa pagtatrabaho pero hindi ang ginagawa ng stepfather kong manyakis.

“Pero maski sa pinagtatrabahuhan ko ay mayroon ding mga gutom na aso na naglalaway sa katawan ko.

Minsan, ipinatawag ako ng superbisor na Tsinoy sa room nito. May edad na ang Tsinoy. Pagpasok ko pa lang sa room ay hinaha­god na ang katawan ko. Tinanong kung magkano ang sinusuweldo ko. Sinabi ko. Sunod na tanong ay gusto ko raw bang madoble ang sahod ko. Hindi ako sumagot.

“Sumunod na sinabi ay madodoble raw ang sahod ko kung ipakikita ko ang boobs ko. Saglit lang daw kong ipa­kita ang aking boobs at ma­dodoble na ang sahod ko.

“Gumapang ang takot sa buong katawan ko. Manya­kis din pala ang Tsinoy. Kaya pala ganun na lamang kung hagurin ng tingin ang kata­wan ko.

“Humirit pa ang Tsinoy, ililipat din daw ako ng department kapag ipinakita ko ang aking boobs. Kung anu-ano pa ang pinangako niya.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with