^

True Confessions

Suklam (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HAHABULIN ko sana ang lalaki pero na­a­wat ako ng sekyu ng motel. Magdemanda na lang daw ako tutal ay nahuli naman sa akto na magkasama ang asawa ko at lalaki. Pinagbalingan ko ang nanay mo. Pinagsasampal ko. Hindi ko na nakontrol ang sarili.

“Nagmakaawa sa akin ang nanay mo. Umiyak at lumuhod pa sa harapan ko.

Ako namang si martir at mapagpatawad, nakinig­ sa drama ng babaing ka­li­wete. Tinanggap ko maka­raang mangako na hindi na uulit. Huwag ko na raw siyang idemanda. Nagma­kaawa talaga ang babaing puta.

“Kaya nagsama muli kami. Kinalimutan ko ang ginawa niyang pagpugay sa dangal ko. Ikaw pa rin nasa isip ko noon Brent. Nag-iisa ka pa lang nun. Wala pa ang kapatid mo. Kung idedemanda ko, tulu­yan ko nang hihiwalayan ang nanay mo, maaaring­ maapektuhan ka. Siyempre ma­wawala ang nanay mo at magtataka ka. Maguguluhan ka. ‘Yun ang ayaw kong mangyari.

“Kaya tuloy ang pagsasama namin. Akala ko magbabago na siya. Hindi pala at lumala pa dahil dito pa sa pamamahay ko at sa harap mo ginagawa ang kaimoralan. Kaya talagang naniniwala ako na hindi dapat pagtiwalaan ang babaing minsan nang na­ngalunya.’’

Napatango si Brent.Tama ang tatay niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with