^

True Confessions

Monay (189)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang patungo sila sa memorial park na kinahihimlayan ni Cath ay walang tigil sa pagtatanong si Monay ukol dito.

‘‘Mahal na mahal mo talaga si Cath, Joem?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Walang kapantay na pagmamahal?’’

‘‘Wala.’’

‘‘Nag-iisa siya para sa iyo?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Siguro napakasarap na kaibigan ni Cath.’’

‘‘Tama ka Monay. Napakasarap niyang maging kaibigan. Kaya nga hindi lang asawa ang turing ko sa kanya kundi matalik na kaibigan.’’

‘‘Sayang at wala na siya. Sana man lang ay nagka­kilala kami at nagkita. Gusto ko ang mga katulad niya.’’

‘‘Siguro kung nagkakilala kayo ni Cath baka magi­ging matalik kayong magkaibigan. Ang tipo mo ang gustong maging kaibigan ni Cath. Sayang at hindi kayo nagkakilala.’’

‘‘Oo nga, Joem. Bakit ba ngayon lang ako nakauwi? Ikaw e, sana nakipag-communicate ka sa akin noon pa para nakilala ko si Cath.’’

Tahimik lang si Joem. Nakatuon ang tingin sa dinadaanan nila.

“Sabagay, maaalala mo ba ako e meron ka nang ibang pinakamamahal. Imposibleng maalala mo ako. Di ba Jose Emmanuel?’’

Napangiti lang si Joem pero nakatuon pa rin sa dinadaanan. Nakakatuwa si Monay kapag tinatawag siya sa buong pangalan.

“Pero nagpapasalamat pa rin ako at nagkaroon tayo ng communications. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magpi-friend request ka sa akin. Imagine, hinanap mo ang name ko para tayo maging magkaibigan. Bakit nga bigla mo akong naalala, Joem?’’

‘‘Ha?’’

“Bakit bigla mo akong kinaibigan sa FB? Anong nakain mo Jose Emmanuel?’’

“A e ano nga bang nakain ko? Hindi ko matandaan. Basta nasumpungan ko ang sarili na sini-search ang name mong Monay, ha-ha-ha!’’

“Basta ganun lang? Basta naisip mo lang?’’

“Oo.’’

‘‘Maniwala ako.’’

‘‘E di huwag kang maniwala.’’

Maya-maya pumapasok na sila sa malaking gate ng memorial park.

“Dito na ba tayo Joem?’’

“Oo.’’

“Saan ang puntod ni Cath?’’

“Dun pa.’’

Nakarating sila. Ipinarada ni Joem ang sasakyan.

‘‘Halika, Monay.’’

Narating nila ang puntod.

‘‘Siya si Pandekoko, Monay.’’ (Itutuloy)

CATH

MONAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with