^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA kainin natin ang niluto mong biko at pansit. Nagutom ako,” sabi ni Dado.

Tumayo sila at tinungo ang mesa. Kumuha ng plato at kutsara si Dado.

Magkatabi silang naupo.

“Ang sarap nito. Pabo­rito ko ang biko at pansit. Nahulaan mo ang favorite ko Gab kaya ito ang iniluto mo?’’

“Hindi. Nagkataon lang.’’

Kumutsara ng biko si Dado at isinubo kay Gab. Tinanggap ni Gab.

“Ikaw naman ang susubuan ko Dads.’’

Kumutsara si Gab ng biko at isinubo kay Dado.

“Wow ang sarap nga. Makunat ang malagkit. Pa­anong ginawa mo, Gab?’’

“Tsamba lang. Maganda kasi ang malagkit kaya ma­kunat. First class na malagkit ‘yang ginamit ko.’’

“Ganun ba? Kaya masarap. Mahusay kang magbibiko. Mag-alok kaya tayo online.’’

“Puwede, Dads. Mas magandang negosyo dahil nasa bahay lang ako ano?’’

“Pag-aralan natin.’’

Ang pansit naman ang tinikman ni Dads.

“Wow ang sarap din nito. Suwerte talaga ako sa’yo, Gab. Bukod sa maganda, mabait, malambing ay masarap ka pang magluto.’’

“Salamat sa papuri.’’

“Teka meron pa akong nakalimutan – suwerte ako dahil bukod sa masarap kang magluto ay maganda pa ang iyong katawan at kalooban, o ‘di ba?”

“Ikaw talaga Dado, lagi mong sinasabi ang maganda kong katawan. Maganda ba talaga o binibiro mo lang ako.’’

‘‘Maganda talaga. Hindi ako nagbibiro. Basta sinabi ko, totoo yun. Talagang maganda ang wankata mo.’’

“Baka nagsawa ka na dahil sa kasisilip mo?’’

“Hinding-hindi ako magsasawa.’’

Kumutsara uli ng biko si Gab at isinubo kay Dado.

“Ang sarap talaga, hindi nakakasawa!’’ sabi ni Dado at hinalikan sa pisngi si Gab.

Walang kasing ligaya ang nadama nila. Punum-puno sila ng pagmamahal sa isa’t isa.

ISANG araw may ibi­nalita si Gab kay Dado. Magkasabay silang nag­lalakad patungo sa sa­ka­yan ng dyipni sa España Blvd.

“Magaling na si Mama, Dads. ‘Di ba dati nahihira­pan siyang maglakad mula nang ma-stroke ngayon ay mabilis nang maglakad. Tinext ako ni Ino. Lagi raw si Mama sa itinatayo niyang kulungan ng mga itik at manok. Sabi pa ni Ino, masiglang-masigla raw si Mama habang pinanonood siya sa mga ginagawa sa bukid.’’

‘‘Salamat sa Diyos at magaling na ang mama mo – este si Mama pala. At salamat din at talagang nagbago na si Ino. Baka pag-uwi natin e mayaman na siya, he-he-he !’’

“Sana nga Dads. Sana suwertehin pa ang kapatid ko.” (Itutuloy)

DADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with