^

True Confessions

Hiyasmin (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “Kanina ka pa Sir Dax?’’ tanong ni Hiyasmin nang makalapit.

“Mga five minutes pa lamang. Ba’t ang aga mo yata? Di ba alas siyete ka lalabas—alas sais pa lang ah!’’

“Hindi ko na tinapos ang rehearsal sa graduation, Sir Dax.”

“Bakit naman?’’

“Kasi alam ko na naman ang gagawin sa araw ng graduation.’’

“Ganun ba?”

“At saka nag-aalala ako na baka narito ka na—e di tama nga!’’

“Puwede naman akong maghintay. Sana tinapos mo ang rehearsal.’’

“Okey lang naman na umuwi na. Marami na ngang nagsiuwian.’’

“E di halika na at nang makakain na tayo ng hapunan. Dun uli tayo sa masarap ang fried chicken—inasal ba yun?’’

“Huwag na roon, Sir Dax.’’

“Bakit? Di ba sabi mo masarap naman?’’

“Masarap nga po pero mayroon akong dahilan kung bakit huwag dun tayo kumain.”

“Bakit? Anong problema?’’

“Mamaya ko na sasabihin, Sir Dax.’’

“Ah okey, sige. Pero saan tayo kakain?”

“Meron pang bagong open na restaurant sa kabilang kalye. Masarap din daw dun.”

“Tena na.’’

Tumawid sila sa kalsada at tinungo ang bagong restaurant.

Pumasok sila.

Kakaunti pa ang mga customer.

Pinili nila ang mesa na malayo sa iba pang kumakain.

Nang lumapit ang babaing crew, umorder si Dax.

Nang makuha ang order nila, umalis na ang crew.

“Ano yung problema na sinasabi mo Hiyasmin?”

Bahagyang napangiti si Hiyasmin.

(Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with