^

True Confessions

Hiyasmin (112)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Boyfriend ko siya,’’ sagot ni Hiyasmin­ kay Rez. Iyon ang pinaka­mabilis na naisip niya para tumigil na sa pagta­tanong si Rez. Kung mayroon man itong balak na manligaw sa kanya, tiyak na aatras kapag nalamang may siyota na siya.

Saglit na napamaang si Rez pero pagkaraan ay nagtanong pa rin at parang hindi naniniwala.

“’Kala ko Kuya mo!’’

“Siyota ko ‘yun. Sinundo ako ng gabing iyon at saka kami kumain.’’

“Parang mas matanda yata sa’yo ang boyfriend mo.’’

“Ano namang masama­ kung mas ma­tanda ang boyfriend?’’

“Wala naman.”

“Type ko kasi ang mas matanda. Mas responsible ang mas matanda kaysa mga kasing age ko. Isa pa ma­unawain at ma­pagbigay.”

Napata­ngo si Rez. Maya-maya may tinanong pa ito na tila ikinaiinis na ni Hi­yasmin. Pero pinilit niyang maging mahinahon.

“Kung magsiyota kayo, bakit hindi kayo magkatabi sa upuan? Bakit magkaharapan kayo?’’

“A dahil masikip sa pu­westo namin. Nakaharang ang upuan kaya magkaharap na lang kami.’’

Napatango uli si Rez.

Tumigil na ito sa pagta­tanong nang dumating na sila sa classroom.

Naiinis si Hiyasmin kay Rez.

Siguro nga ay may kur­sunada ito sa kanya.

Mabuti at sinabi niyang may siyota na siya. Kung hindi ay baka kulitin siya nito!

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with