^

True Confessions

Damo sa pilapil (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pero determinado si Zacharias na makakita ng ibang pagkakakitaan at makapag-aral para mabago ang buhay. Hindi siya apektado ng mga sinabi ng kanyang tatay na “mga damo lamang sila sa pilapil” at walang mangyayari sa iniisip. Patutunayan niya sa kanyang tatay na mali ang iniisip nito na walang mangyayari sa kanyang pangangarap.

Habang gumagawa­ sa bukid, nag-iisip siya ng paraan kung paano makokontak si Mam Dulceamor, ang babaing­ tinu­lungan niya nang ma-flat ang sasak­yan. Hindi siya nanininiwala sa sinabi ng kanyang tatay na hindi siya papansinin ni Mam Dulceamor. Sa tingin kasi niya kay Mam Dulceamor, mabait at handang tumulong. Matatandaan siya nito. Binibigyan nga siya ng pera pero hindi niya ti­nanggap. Mabuti nga at hindi niya tinanggap sapagkat matatatak sa isipan nito na hindi siya mukhang pera. Malaking puntos na iyon para siya tulungan nito.

At isa pa nga, si Mam Dulceamor na ang nagsabi na kung mayroon siyang kailangan ay tawagan lang siya o kaya ay puntahan. Problema lang niya kung pa­ano makokontak ang ba­bae dahil wala naman siyang cell phone.

Hanggang sa maisip niya na puwede siyang pumunta sa bayan para makitawag sa payphone. Puwede nga! Iyon na lamang ang tanging pa­raan.

Bukas na bukas ay pupunta siya sa bayan para tumawag  kay Mam Dulceamor. Pero sasabihin pa rin niya sa kanyang Tatay at Nanay ang mga gagawin para nakahanda ang mga ito. Magpapaalam siya nang maayos. Ayaw niya na basta na lamang aalis. Ayaw niyang mamroblema ang kanyang tatay at nanay. Naniniwala siyang may hatid na magandang resulta ang mahusay na pagpapaalam sa mga magulang.

(Itutuloy)

ZACHARIAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with