Black Widow (53)
KINABUKASAN, inihatid ni Marie si Pau sa school. Naka-leave pa siya sa trabaho kaya hatid-sundo ang anak. Hindi na siya kinakabahan kahit na makita ang daddy ni Iya sa school. Gusto nga niyang makita uli ito para siya na ang magtanong ng pangalan nito.
Pero hindi niya ito nakita nang tanghaling sunduin si Pau. Hindi na siya nagtanong sa anak kung bakit wala pa ang daddy ni Iya. At hindi rin niya nakita si Iya na dati ay mas nauuna pa kay Pau.
“Maaga ka yatang lumabas, Pau?’’
“Wala kasi ang teacher namin sa last subject. Biglang nagpaalam dahil masama raw ang pakiramdam.’’
“Ah ganun ba? Dati kasi ay atrasado kang lumabas.’’
Lumabas na sila ng gate ng school. Gusto na niyang kumustahin si Iya sa anak. Kapag napag-usapan nila si Iya puwede na niyang dalhin ang usapan sa daddy nito. Maaari na niyang itanong ang pangalan na hindi maghihinala ang anak.
Pero hindi na pala niya kailangang itanong iyon kay Pau dahil ito na mismo ang nagsabi.
“May sasabihin ako sa iyo Mama.’’
“Ano ‘yun?”’
“Kaninang recess, nagkita kami ni Iya sa canteen. Nagkuwen-tuhan kami.’’
Napangiti nang lihim si Marie. Eto na ang hinihintay niya.
“Anong napagkuwentuhan n’yo?’’
“Ikaw?’’
“Ako?’’
“Oo. Sabi ni Iya, mabait ka raw.’’
“Talaga? Naku baka mahalikan ko si Iya kapag nakita ko. Bakit daw ako naging mabait?’’
“Kasi’y dahil inihatid natin siya at pinakain pa raw. Napakabait mo raw talaga.’’
“Sabihin mo pagnagkita uli kayo, thank you, sabi ko.’’
“Bukas baka magkita uli kami.’’
“Sige.’’
“Siyanga pala Mama, ang pangalan ng daddy niya ay Jose.’’
(Itutuloy)
- Latest