Halimuyak ni Aya (478)
“TITA, ang tamis ng ngiti mo. Hula ko, mayroon nang special na namamagitan sa inyo ni Tito Numer. Huwag kang tatanggi, Tita,†sabi ni Aya na tila kinikilig.
“Ano ka ba, Aya…’’
“Aminin mo na. TaÂyo lang dalawa ang makaÂaalam. Kasi nababasa ko ang kilos mo kanina pa nang dumating kayo ni Tito Numer. Kakaiba ang kilos mo.’’
Nakangiti lang si Imelda.
“Ano Tita?’’
“Oo na.’’
Gulat si Aya.
“Totoo Tita. Mag-on na kayo ni Tito Numer?â€
Tumango.
“Yehey!†sabi ni Aya na ang pagsigaw ay na-kagulat sa dalawang anak na nanonood ng TV. Gising pa ang dalawang anak at hinihintay ang pagdating ng kanilang daddy na si Sam.
“Aya, huwag mong sasabihin kay Sam ha o maski sa daddy mo at kay Dra. Sophia. Ayaw ko munang malaman nila. Kasi, para bang kung kailan ako nagkaedad e saka naman nakaisip na magkaroon ng karelasyon. Basta ayaw ko munang kumalat ito.’’
“Sige Tita, tayo lang ang makaaalam. Pero natutuwa ako at nagkaroon ka ng bagong pag-ibig. Pagkaraan nang matagal na panahon, muli kang umibig. Di ba, ikinuwento mo sa amin ni Sam noon na niloko ka ng dati mong nobyo.’’
“Oo. Akala ko nga, hindi na ako iibig. Mas matindi pala ang mararamdaman ko.’’
“Natutuwa ako para sa inyo ni Tito Numer. At isa pa, natutuwa rin ako at hindi magtatagal at makikilala na ni Sam ang kanyang amang Saudi.’’
“Ako man ay tuwang-tuwa, Aya. Ginawa ni Numer ang lahat para magkakilala ang mag-ama. Sabi ni Numer, pagbalik niya sa Saudi, may maganda siyang ibabalita kay Abdullah.’’
“Sasabihin ko kay Sam ang magandang balita, Tita.’’
“Huwag muna. Hintayin natin kapag nasabi na ni Numer kay Abdullah.’’
“Ikaw ang bahala Tita.’’
DUMATING ang pagbalik ni Numer sa Saudi Arabia. Nakahanda na siyang sabihin kay Abdullah na nagawa na niya ang utos nito. Mahigpit ang paalaman nina Imelda at Numer sa NAIA. Nangako si Numer na pagbalik niya, pakakasal na sila at hindi na babalik pa sa Saudi.
(Itutuloy)
- Latest