Halimuyak ni Aya (473)
WALANG trapik kaya mabilis na nakarating sa Makati ang sinasakyang taxi. Nang nasa J. P. Rizal na sila, itinuro ni Numer sa drayber na sa dating Sta. Ana Racing Club sila magtungo. Pagdating doon, pinakaliwa ni Numer sa H. Santos St.
Ilang minuto pa at nakita nila ang mga bagong condo na nasa gawing kanan ng H. Santos St.
“Diyan na lang sa tabi,†sabi ni Numer sa drayber. “Huwag mo nang ipasok at baka humingi pa ng ID sa iyo ang guwardiya.’’
Itinabi ng drayber. Bu-maba ito at kinuha ang maleta sa trunk. Bumaba na rin sina Numer at Imelda.
Dumukot ng pera si Numer. Binigyan ng P1,000 ang drayber.
“Sa’yo na yan,†sabi ni Numer.
Hindi makapaniwala ang drayber. Sobrang laki ng P1,000. Ang nasa metro ay P400 lang!
“Salamat Sir. Malaking tulong sa pamilya ko ito.’’
Ngumiti lang si Numer.
Binitbit na nito ang maÂleta at niyaya si Imelda papasok sa gate ng condo.
Sinaluduhan si Numer ng guard na nasa outpost. Mga ilang hakbang at ang condo na.
“Dito lang ang unit ko, Imelda. Kaya hindi ko na pinapasok ang taxi, dahil malapit lang.’’
“Paano ka nakakuha ng unit dito, Numer?â€
“Dati kasi akong iskuwater sa lugar na ito. Nang ayusin ang lugar na ito at ginawang mga condo, ako ang prayoridad para makakuha ng unit.’’
“Yung iba, ganundin ang policy? Nakakuha rin dito?â€
“Kung may ibabayad? Kasi mahal din dito. MaÂganda kasi ang pagkakaÂgawa. Nasa 3rd floor ako. Halika na sa unit ko.’’
“Sinong naglilinis ng unit mo?â€
“Meron akong kaibigan na pumupunta rito buwan-buwan at nililinis. Maaasahan ang kaibigan kong yun. Kaya malinis na malinis ang condo ko. Mabangung-mabango.’’
Naghagdan sila patungo sa 3rd floor.
“Ayun ang unit ko, nasa korner. Maganda ang puwesto.’’
Tinungo nila. Dinukot ni Numer ang susi at binuksan ang screen door na kulay brown. Pagkatapos ay ang pintong kahoy naman ang sinusian. Nang mabuksan, sumalubong sa kanila ang fresh lemon scent ng unit.
“Ang bango ano ImelÂda?â€
“Oo.â€
“Halika, pasok.’’
Maganda at maayos ang salas. Kumpleto sa gamit.
“Bagumbago pa ito Numer!â€
“Kasi naman, tinitirahan ko lamang sa loob ng 30 days. Pagkatapos ay aalis na uli ako.’’
Naupo sila sa sopa.
“Sana may makasama na ako sa bahay na ito. Wish ko lang…†sabi ni Numer.
Kinabahan na naman si Imelda. Hindi niya alam kung bakit. (Itutuloy)
- Latest