^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (346)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

CUM laude si Sam nang magtapos ng Medicine. Tuwang-tuwa siya sapagkat pagkaraan ng mga paghihirap sa pag-aaral ay natapos din niya ang kurso. Naisip ni Sam, kung buhay lamang ang kanyang lolo at lola, tiyak na masayang-masaya ang mga ito.

Tinext ni Sam si Dra. Sophia at ipinaalam ang pagtatapos niya. Binati siya ni Doktora. Inimbitahan niya itong dumalo pero may mahalagang lakad daw si Doktora sa araw na iyon. Sinabi ni Sam na dadalawin uli nila ni Aya si Doktora pag­karaan ng graduation.

Si Aya ang tangi niyang kasama nang magtapos. Nang tanggapin ni Sam ang medal sa pagiging cum laude ay masayang-masa-ya si Aya. Walang tigil ang pagkuha niya ng picture kay Sam. Gusto  niya maraming pagpipilian si Sam.

Habang kinukunan ni Aya si Sam ng retrato, naisip niya na isang taon pa ang ipaghihintay niya para sila makapagpakasal. Magre-review pa si Sam at saka lamang magti-take ng Board Exam. Pero hindi na matagal ang isang taon. Kung nakatagal siya nang ilang taon sa paghihintay, ang isang taon pa kaya? Ngayon pa lang ay excited na si Aya sa mga mangyayari sa kanila ni Sam.

Nang bumaba sa stage si Sam ay nilapitan siya ni Aya at hinalikan. “Congrats, Sam, um!”

“Thanks, Aya. Sa wakas natapos din ako.”

“Husay mo talaga, cum laude.’’

“Tsamba lang siguro.’’
“Hindi tsamba yun Sam. Kasi nag-aral ka talaga. Ang dapat magsalita ng tsamba ay yung hindi nag-aral.’’

“Handog ko sa’yo ang aking pagtatapos. Ikaw ang naging inspirasyon ko Aya.”

Napaluha si Aya dahil sa kaligayahan.

Sa isang restaurant sila kumain ng hapunan. Muli nilang pinag-usapan ang tungkol sa kanilang kasal.

“Excited na talaga ako, Sam. Ganito pala ang nararamdaman kapag palapit nang palapit ang ating kasal.’’

“Excited din ako, Aya. Kapag nakapasa ako sa board. Go na tayo.”

“Wala nang makakapi-pigil, Sam?”

“Wala na. Sino ba naman ang pipigil sa pagpapakasal natin e ang tagal nating pinlano ito.’’

Natigilan si Aya. May iniisip.

“Anong iniisip mo, Aya?”

“Kung kunin kaya nating ninang si Dra. Sophia?”

“Yan nga ang balak ko Aya. Gusto ko maging ninang si Tita.’’

“Pumayag kaya siya?”

“Bakit naman hindi?    Matutuwa pa nga ‘yun kapag nalamang ninang siya.”

(Itutuloy)

AYA

BOARD EXAM

DOKTORA

DRA

NANG

NIYA

SAM

SI AYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with