^

True Confessions

Halimuyak Ni Aya (330)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

BINAGALAN ni Sam ang paglalakad at sumabay sa iba pa para hindi mapansin ni Julia. Ayaw niyang makaharap at makausap si Julia. Alam niya kung gaano kalaki ang pagkagusto sa kanya ni Julia. Gagawin ni Julia ang lahat para magkaroon sila ng relas­yon at sila ang maging mag-asawa. Mahusay mang-akit si Julia at hindi niya maipangako kung hindi bibigay sa panunukso nito. Noong gabing naiwan sila sa tirahan ni Julia sa Sulucan ay mun­ tik nang may mangyari sa kanila. Kung hindi du­mating ang ate nito ay baka “nagkabinyagan” na sila ni Julia. Natatangay na siya dahil masarap at mainit ang kanilang paghahalikan.

Iiwasan niya hangga’t maari si Julia. Gagawin niya ang lahat para hindi sila magkita. Magiging matapat siya kay Aya. Hindi siya sisira sa pa-ngako. Si Aya lamang ang kanyang mamahalin at pakakasalan.

Naiwasan niya si Julia. Nakahinga siya nang maluwag. Nang makalayo siya, tumigil at nilingon si Julia kung saan patungo. Nakita niyang pumasok sa isang sikat na hamburger chain. Baka mayroong ka-date. Baka mayroon nang siyota. Matagal-tagal na rin nang huli silang magkita. Iyon ay noon ngang maghalikan sila. Mainit na mainit nga ang kanilang paghahalikan. Sanay na sanay na si Julia. Baka marami na itong naging siyota. Pero ang sabi sa kanya, wala raw siyang siyota.

Maaaring nagtatrabaho na si Julia. Doon pa kaya ito nakatira sa Sulucan? Baka naman nagsarili na dahil tapos na sa pag-aaral.

Naalala niya, nasundan nga pala siya ni Julia noong nakatira pa sila sa apartment sa Dapitan. Hinanap ang apartment  at mabuti na lamang at walang napagtanungan kundi ay bistado siya. Makikita nito na magkasama sila sa bahay ni Aya. Magtataka ito kung bakit lagi silang magka­sama. Mula noon ay hindi na niya nakitang umaaligid si Julia.

Naidasal ni Sam na sana ay mayroon nang siyota si Julia para hindi na siya iiwas dito. Mas maganda kung mag-aasa­wa na si Julia para wala na siyang iiwasan. Pero sa tingin ni Sam, tipong mahilig mangulekta ng lalaki si Julia. Tingin niya walang balak magseryoso sa pakikipagrelasyon si Julia.

Naikumpara tuloy ni Sam si Aya kay Julia. Wala talaga sa kalingkingan ni Aya si Julia. Si Aya ay may plano sa kinabukasan nila. Excited na nga sa kasal nila kahit dalawang taon pa ang hihintayin. Si Aya rin ang tipo ng babae na hindi magagawang lokohin ang kasintahan. Si Julia, pakiramdam ni Sam ay malingat lang ang siyota ay may haharapin nang ibang lalaki.

Hindi maipagpapalit ni Sam si Aya. Walang babaing makaaagaw sa pagmamahal niya kay Aya. Pangako niya iyon. Hanggang wakas ay si Aya pa rin ang tangi niyang mamahalin. Wala nang iba.

(Itutuloy) 

 

vuukle comment

AYA

GAGAWIN

JULIA

NANG

NIYA

SI AYA

SILA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with