^

True Confessions

Yaya Ruth (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Ruth nang lumitaw sa kanyang likuran ang kanyang amo na si Sir Rafael. Akmang tatakas sana siya ngunit nahawakan siya nito sa braso. Ang ayaw na ayaw ni Ruth ay pinupuwersa siya kaya akmang lalaban sana siya ngunit isinalya siya nito sa malamig na pader ng pasilyo. Halos magkadikit na ang kanilang mga kata­wan. Ramdam ni Ruth ang init at pawis ng hubad na dibdib nito sa kanyang manipis na nightgown, pati ang mabilis at mabigat nitong paghinga.

“S-Sir, natatakot po ako...” bulong ni Ruth, pinalambot ang boses habang marahang idinampi ang palad sa ma­tigas na braso ng amo. Kunwari ay nanginginig siya, ngunit si­nadya niyang bahagyang itingala ang mukha upang magkalapit ang kanilang mga labi.

Bumaba ang mga mata ni Rafael sa labi ni Ruth, saka dahan-dahang humagod sa hubog ng kan­yang baywang.

“Huwag mo akong subukan, Ruth. Kapag sinabi kong bawal kang lumabas sa kuwarto mo, kailangan mong sundin ‘yun.”

“Nauuhaw kasi ako, sir.” Malambing na pali­wa­nag ni Ruth.

Marahang hinaplos ni Rafael ang kanyang pisngi, isang haplos na may halong babala at pag­nanasa, bago ito biglang tumalikod at naglakad palayo sa dilim. Napangiti si Ruth. Nasa palad ko na siya.

KINABUKASAN ng umaga, bumaba si Ruth para pumunta sa dining room ngunit napako siya sa kinatatayuan niya. Nakaupo sa kabisera ang misis ni Rafael, si Sen­yora Clara. Posturang-postura ito. Malayo sa baliw at gusgusing babae kagabi. Nakapusod nang maayos ang makintab na buhok, suot ang mamahaling bestida, at kalmadong humihigop ng kape. Walang bakas ng takot o panginginig sa mga kamay nito.

“Good morning Ruth,” malamig ngunit eleganteng bati ni Clara, sabay taas ng kilay habang sinusuri ang dalaga.

“Good morning po, Ma’am Clara.”

“Simula ngayon, ako na ang magbibigay ng lahat ng utos sa bahay na ito, hindi si Rafael.”

Nagtatakang tumango si Ruth. “Opo, Ma’am.”

Ngumiti ang Senyora. Isang ngiting hindi uma­bot­ sa mga mata. “At pa­pa­alalahanan kita, si Parker ang aalagaan mo rito, hindi ang mister ko.”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with