^

True Confessions

Yaya Ruth (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS humingi ng paumanhin si Rafael, ipinaliwanag nito na nagsimulang magpatingin sa psychiatrist ang misis niyang si Clara noong naaksidente ito dalawang taon na ang makalipas. Maluha-luha pa ito sa pagkukuwento na hindi na nito halos makilala ang anak nilang si Parker.

“Naiintindihan ko po, Sir,” mahinang sagot ni Ruth, sabay kagat sa ibabang labi, isa sa kanyang mapang-akit na signature move na alam niyang nagpapabilis sa tibok ng puso ng kahit sinong lalaki.

Ngumiti si Rafael, ngunit naputol ito nang biglang bumukas ang pinto sa itaas ng hagdan.

Nakatayo roon si Clara. Gusot ang mahabang buhok, nanlalalim ang mga matang may eyebags, at nangi­nginig ang mga daliri sa hawak na rosaryo. Tinitigan niya si Ruth mula ulo hanggang paa. Umirap ito, hindi dahil sa selos, kundi nang may matinding kilabot.

“Paalisin mo na siya, Rafael! Sabihin mo na hindi siya ang hinahanap natin…” malumanay na utos ng senyorita na para bang hindi ito naririnig ni Ruth.

Halatang napahiya ang mukha ni Rafael. Nagkulay rosas ang mga pisngi nito dahil sa ikinikilos ng asawa. “Honey, na-interview ko na siya. Siya ang hina­hanap natin.”

“Hindi siya magtatagal dito! Amoy na amoy ko ang pagkatao niya…” sigaw ni Clara.

Napalunok si Ruth. Kinabahan siya pero humanga siya na magaling umamoy ang senyorita.

“Clara, napa-background check ko na siya at wala siyang kahit anong record. Hindi mo siya kailangang pahiyain dito,” sabi ni Rafael.

“Naamoy ko na lalamunin siya ng mga halimaw sa garden!” sabi ni Clara sabay tawa nang malakas.

Napangisi nang palihim si Ruth. Baliw nga. Pero naisip niya na mabuti na ito. Mas madaling lansiin ang mga tao bahay na ito kung may isang tao na laging gumagawa ng eksena at humihingi ng atensyon.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with