^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (329)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NASA paborito silang restaurant at masayang nag-uusap at pinaplano ang kanilang pagpapakasal.

“Mga 100 guests lang ang iimbitahin natin Sam,” sabi ni Aya.

“Ba’t naman 100 lang?”

“Mga kaibigan  lang na­man natin ang iimbitahin at saka yung boss ko. Wala na naman tayong ga­anong kamag-anak. Ako, iisa lang ang alam kong kamag-anak, yung kapatid ni Mama.’’

“Baka madagdagan pa ang 100 dahil siyempre, pag­katapos kong mag-board baka marami na akong ma-ging kaibigang doctor.’’

“Ay oo nga ano? Magkakaroon ka tiyak nang ma­ lawak na sirkulo ng kaibi-gan. Lalo pa kapag nag-top ka sa Board exam.’’

“Ikaw din, Aya. Malay mo, magkaroon ka pa nang maraming kakilala.’’

“Ako siguro wala na. Wala naman akong balak magbago ng trabaho. Okey na ako sa publishing house na pinagtatrabahuhan ko.’’

“E paano ang papa mo – si Dr. Del Cruz?”

Napairap si Aya.

“Naalala mo pa yun? Buti ka naalala mo pa?”

“Siyempre naman, hindi ko rin malilimutan dahil naging mabait din siya sa akin. Di ba pinatuloy niya ako sa boarding house niya nang walang bayad.’’
Napabuntunghininga si Aya.

“Kasi’y hindi ko malimu­tan na hindi man lang niya dinalaw si Mama noong na­ kaburol. Akala ko kasi, sisilipin niya sa huling sandali. Tapos natuklasan natin na wala naman pala siyang anak sa kanyang asawang doktora. At ang matindi pa, iniwan ang doktora at sumama sa mas batang babae. Paano ko naman siya pag-uukulan ng lubos na pagmamahal. Baka nga hindi na niya ako kilala. Mas gusto pa niyang kasama ang babae niya kaysa akin.’’

Na­­patangu-tango si Sam. Na­dama niya ang sentim-yento ni Aya sa papa nito. Minabuti niyang huwag nang pag-usapan ang ukol dun.

“So, maximum ng guests natin ay ilagay natin sa 150. Okey sa’yo?”

“Oo.’’

“Saang simbahan mo gusto?”

“Sa Santo Domingo.’’

“Okey. Dun din ang gusto ko. E saan ang reception?”

“Manila Hotel.’’

“Sa Shangrila ayaw mo?”

“Sige. Pag-aaralan pa naman natin.”

“Saan mo gustong mag-honeymoon?” Tanong ni Sam na nakangiti.

“Parang excited ka sa honeymoon.”

“Siyempre naman. Ang tagal kong hinintay di ba?”

Kinurot siya ni Aya sa braso.

“Saan ba maganda? I-try natin sa Bangkok.”

“Aprub!’’

Pagkatapos pag-usa­pan ang lahat ukol sa ka­sal, nakita ni Sam na kumikislap ang mga mata ni Aya dahil sa kaligayahan. Nagniningning sa hindi ma­­ ipaliwanag na kasiyahan.

Pinisil ni Sam ang pa-lad ni Aya.

 

ISANG araw, naglala­kad si Sam sa Recto Ave. Galing siya sa bookstore. Nang bigla niyang makita ang dating kaklase na si Julia. Seksing-seksi at gumanda si Julia!

(Itutuloy)

AYA

DR. DEL CRUZ

JULIA

MANILA HOTEL

NAMAN

NATIN

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with