^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (304)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMAMADALING umuwi si Sam. Tuliro siya sa ibinalita ni Lolo Ado tungkol kay Lola Cion. Naiisip niya na baka patay na si Lola Cion. Pagdating sa bahay, saka lang naalala si Aya. Tinawagan niya ito sa trabaho.

“Aya, uuwi ako. Si Lola, malubha. Sabi ni Lolo baka hindi na magtagal.’’

“Sasama ako Sam! Daanan mo ako rito sa trabaho. Magpapaalam lang ako sa boss ko.’’

“Sige. I-text kita kapag nariyan na ako.’’

“Ikaw na ang kumuha ng mga damit ko ha? Ilagay mo sa bag.’’

“Okey.”

Makalipas ang kalaha-ting oras ay nagkita na si Sam at Aya.

“Anong sabi ni Lolo Ado?”

“Malubha si Lola baka raw hindi na magtagal.’’

“Diyos ko.’’

“Malungkot ang boses ni Lolo. Palagay ko, baka wala na si Lola. Sinabi lang niya na malubha para hindi ako mag-alala.’’

“Diyos ko, sana naman maabutan mo pa si Lola.’’

Napabuntunghininga si Sam.

Nagtungo na sila sa bus station. Tamang-tama ang kanilang pagdating sapag-kat malapit nang mapuno ang bus. Saglit lang ay umalis na ito.

Tahimik na tahimik si Sam. Hinawakan ni Aya ang braso nito. Pinapayapa ang loob.

“Huwag kang mag-worry, Sam. Maaabutan pa natin si Lola.’’

Napatangu-tango lang si Sam habang nakatingin sa labas ng bus. Nauunawaan ni Aya ang nararamdaman ni Sam. Si Lola Cion ang nagpalaki kay Sam.Parang ina na niya. Ito ang naghanap ng babaing magpapasuso. Sanggol lang si Sam nang mamatay ang ina nito. Ang nararamdaman ni Sam ay nararamdaman din ni Aya.

Makaraan ang dalawang oras, nakarating sila sa probinsiya. Malungkot na balita ang nasalubong nila. Patay na si Lola Cion. Sa bahay ito namatay.

“Mga 10 minuto lang ang nakakalipas, Sam. Ikaw ang hinahanap. Yang pangalan mo ang sinasambit. Sabi ko, paparating ka na. Napangiti sa sinabi ko. Tapos mamaya, biglang dumaing na naiinitan daw siya. Sabi ko ay hindi naman mainit. Tinapatan ko ng electric fan. Mainit pa rin. Maya-maya pa, tumahimik. Yun pala, wala na. Iniwan na tayo ng lola mo….”

Pagkasabi niyon ni   Lolo Ado ay pumatak ang luha nito.

“Lola!”

Iyon ang nasabi si Sam habang nakatingin sa katawan ng namayapang  lola. Si Aya na nasa likuran niya ay iyak nang iyak.

(Itutuloy)

 

AYA

DIYOS

IKAW

LANG

LOLA

LOLA CION

LOLO ADO

SABI

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with