Halimuyak ni Aya (299)
“BAKIT mukhang Arabo yan, Aya?’’ tanong na- man ng isang pang kasamahang babae ni Aya.
“Ipakilala mo naman kami Aya. Gusto naming marinig ang boses,’’ sabi pa ng isang kasamahan.
“Oo nga Aya. Mas guwapo pa yan kaysa kay Piolo,’’ sabi ng isa pa.
Pagkatapos ay nagha-lakhakan ang mga babae.
Ipinakilala ni Aya si Sam sa apat na kasamahang babae.
“Sam meet my officemates -- si Lyra, Ara, Pau at Leilyn.’’
“Hi, girls,†sabi ni Sam.
“Ay ang ganda ng boses,†sabi ni Ara.
“Oo nga, nalalaglag ang panty ko,†sabi ni Lyra.
“Mayron ka bang kapatid Sam?†tanong ni Pau.
“Oo nga ipakilala mo sa amin,†sabi ni Leilyn.
Nagtawanan ang mga ito. Napuno ng tawanan ang departamento nila. Sila na lamang marahil ang naiwan doon kaya malakas ang loob na magtawanan.
“Sorry, nag-iisa si Sam. Wala siyang kapatid, period,†sabi ni Aya.
“Ay sayang,†sabi ni Lyra, “Ipahiram mo na lamang sa amin, ha Aya. Isang gabi sa akin, at isang gabi rin dito sa mga bruhang kasamahan natin. Puwede Aya?’’
“Itanong n’yo kay Sam.’’
Binalingan ng girls si Sam sa panguguna nang mabirong si Lyra.
“Sam puwede ka ba?’’
Game naman si Sam.
“Puwedeng-puwede! Kaya lang magsabi kayo kay Aya. Siya kasi ang manager ko.’’
“Ay Aya ikaw naman pala ang kakausapin eh. Sige na ipasa mo siya sa amin.’’
“Iisipin ko pa. Kasi hindi ko alam kung may matitira pa kay Sam,†sabi ni Aya at saka nagtawa.
Napuno muli ng tawanan ang departamento.
Ikinuwento ni Aya sa mga kasamahan na me- dical student si Sam. Lalong humanga ang apat na babae kay Sam.
Sabay-sabay silang naghiwalay sa sakayan ng dyipni.
Ipinasya nina Sam at Aya na kumain sa isang restaurant. Si Aya ang nagbayad dahil nakatikim na ito ng unang suweldo.
Pagkatapos kumain, nagkayayaan silang manood ng sine.
“Maganda kaya yang panonoorin natin, Sam?â€
“Oo. Nabasa ko na ang review n’yan. Kinidnap ang anak na dalaga at niligtas ng ama. Masisiyahan tayo d’yan.â€
Pumasok na sila.
(Itutuloy)
- Latest