^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (68)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MOMMY, saan ako matutulog mamayang gabi?” tanong ni Aya nang lumabas mula sa kuwarto.

“Aba e di bagong kuwarto na ipinagawa ni Lola Cion mo. Doon tayong da-lawa. Bakit mo naitanong, sweetheart?”

“Kasi gusto ko sa kuwarto ni Sam matulog.”

Nagtawanan sina Brenda at Nanay Cion. Seryosong-seryosong si Aya nang sabihin iyon.

“E bakit naman gusto mong doon matulog?”

“Kasi marami pa ka-ming pagkukuwentuhan. Di ba aalis na tayo bukas ng umaga? Baka hindi ko maikuwento kay Sam ang mga napanood natin sa sine.”

“Ah e di sige, sa kuwarto ka ni Sam. Kaya lang saan matutulog si Lola Cion mo. Magkasama sila ni Sam sa kuwarto.’’

“Ay ganun po ba?”

Nagsalita si Nanay Cion.

“Aba puwede akong matulog dito sa salas. Maski dito sa sopa. Dito kami ni Lolo mo natutulog pagminsan.’’

Sumingit si Sam sa usapan.

“Oo nga Aya. Diyan natutulog sina Lola at Lolo. Minsan nag-iisa ako sa kuwarto. Hindi naman ako natatakot sa multo.”

“Ngee. May multo ba rito, Sam?’

“Wala! Sabi ko lang yun.”

“Akala ko totoo,” sabi ni Aya at tinampal sa braso si Sam.

“Takot ka sa multo, Aya?”

“Oo. Pero pagkasama ka, hindi na ako matatakot.”

Nagtawanan na naman sina Brenda at Nanay Cion. Aliw na aliw sila sa kaino­sentehan nina Sam at Aya.

“Sige sa kuwarto ka na ni Sam matulog, Aya. Pero huwag kayong magpupuyat sa pagkukuwentuhan at bukas ng umaga ay aalis tayo. Kailangan bago magtanghali ay nasa Maynila na tayo.”

“Opo Mommy.’’

Nagtatakbong bumalik sa kuwarto ang dalawa.

“Natutuwa ako kina Aya at Sam, Nanay. Paglaki kaya ng dalawa, ganyan pa rin ang samahan nila.”

“Siguro naman. Kung ngayon nga ay magkasun-dung-magkasundo sila tiyak na magkasundo rin   sila kapag malalaki na.”

“Hindi kaya magbago ang isa’t isa?”

“Palagay ko’y hindi, Brenda.”

KINABUKASAN, maagang nagising si Brenda. Kailangang makaalis sila ni Aya nang mas maaga.

Tulog pa sina Aya at Sam. Magkatabi sa pag-tulog sa kama. Ginising niya si Aya. Nahirapan siyang gisingin.

“Gising na Aya. Kaila-ngan nating makaalis.”

Bumangon din sa wa­kas. Nang makabangon si Aya, bumangon na rin si Sam.

Naligo at kumain ng almusal ang mag-ina at pagkatapos ay naghanda na sa pag-alis.

Gaya ng dati, binigyan uli ng pera ni Brenda si Nanay Cion.

“Itago mo po Nanay Cion. Pagbalik ko po rito, bibigyan ko ng pambili ng hand tractor si Tatay para mas lalong maraming ani.”

Tuwang-tuwa ang mag-asawa.

Hindi mahirap ang pagpapaalaman nina Sam at Aya. Hindi masama ang loob ng bawat isa. Siguro’y dahil sa mahabang pagkukuwentuhan at paglalaro.

Nangako si Brenda na babalik sa susunod na buwan.

ILANG buwan pa ang lumipas. Hanggang sa dumating ang pag-aaral ni Sam. Prep na siya. Excited mag-aral si Sam.

“Galingan mo pagsagot sa teacher ha?”

“Opo Lola.”

(Itutuloy)

 

 

AYA

BRENDA

CION

KASI

KUWARTO

LOLA CION

NANAY CION

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with