^

True Confessions

Alakdan (203)

- The Philippine Star

 “TAMA na ‘yan. Marami ka nang nainom,” sabi ni Troy kay Ma­ma Mayette nang maratnan niyang umiinom ng alak sa salas.

“Kulang pah ngah ang naiinom koh, anoh kah ba?”

“Kulang pa? E iyan nga’t bulol ka na sa pagsasalita. Akina nga yang alak na ‘yan.’’

“Sandalih na lang. Isang shot pah.’’

Nagsalin sa baso si Mayette at tinung-ga. Parang walang anuman nang ubusin ang laman ng baso.

“Masyadoh kah   namang OA Troy, para naglilibang lang akoh e.’’

“Yung naglilibang e isang baso lang ang inuubos, e ikaw bote-bote ang nilalantakan.’’

“E sah gusto kong uminom e.’’

Hindi na nagsalita pa si Troy. Baka kung saan lamang mapunta ang usapan nila. Siya na ang nagpapasensiya rito para walang gulo. Kung ano ang gustong gawin sa buhay, hinahayaan na niya. Matanda na ito at hindi na dapat pinaaalalahanan.

Pero talagang lulong na sa alak si Ma­yette. Sa umaga, alak ang ginagawang kape. Hindi na nito naaayos ang sarili at mukhang tumanda. Epekto marahil ng alak sa katawan. Alcoholic na yata si Mayette.

Sa gabi pagdating niya galing sa trabaho, nakahilata sa sopa at nagkalat ang bote ng alak sa salas. Maruming-marumi ang salas. Sa lababo ay nakatambak ang maraming pinggan na hindi nahuhugasan.

Ano kaya ang nang­yayari kay Ma-yette at nalulong sa alak? Nakapagtataka na kung kailan natututuhan na niya itong mahalin at walang balak iwan ay saka naman, nahilig sa alak. (Itutuloy)

AKINA

ALAK

ANO

EPEKTO

ISANG

ITUTULOY

MARAMI

MAYETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with