Alakdan (190)
“PINUNTAHAN ko si Digol isang tanghali. Dahan-dahan ako sa pagbubukas ng pinto. Gusto ko siyang gulatin. Pero ako pala ang nagulat sa nasaksihan sa loob ng bahay….’’
Tumigil si Mayette sa pagsasalita. Ibinitin ang sasabihin.
“Anong nakita mo?” tanong ni Troy. Gusto niyang malaman ang nakita ni Mayette.
“Naghahalikan ang dalawa. Grabe! Yung kanang kamay ni Digol, nakapasok sa shirt ng malanding babae.’’
Shock si Troy. Totoo kaya? Sa diary ni Kreamy, walang ganoon. Sabagay isusulat ba niya ang ganoon?
“Anong ginawa mo nang makita ang ginagawa ng dalawa?”
“Aba siyempre e di nagwala ako. Sinugod ko ang dalawa. Sinabunutan ko ang malanding babae. Lumaban sa akin. Palibhasa ay bata pa, malakas at sinabunutan din ako. Pero wala akong nagawa. Natumba pa ako sa sahig. Nang natumba ako, nagmamadali siyang umalis. Bumangon ako at ang pinagbuntunan ng galit ay si Digol. Pinagsusuntok ko pero nakailag. Huwag daw siya ang sisihin kundi si Kreamy. Kusa raw nagpupunta si Kreamy sa kanya at siya naman daw ay lalaki lang. Wala raw siyang magagawa kung palay na ang lumalapit…’
“Inamin ni Digol na nag-sex na sila ng ma.landing babae. Napaka-walanghiya. Akala mo ay mahinhin. Iyon pala ay mahinhindu….” Ibinitin ni Mayette ang sasabihing malaswa.
Hindi makapaniwala si Troy. Ganoon ba kalandi si Kreamy.
“Sinuyo ako ni Digol. Wala raw siyang kasalanan kaya patawarin ko na. Pinatawad ko si Digol…’’
“Anong nangyari sa inyo ni Kreamy?”
“Mula noon ay hindi na kami nag-usap.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending