^

True Confessions

Alakdan (147)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NAGTATAKA lang si Troy kung bakit hina­yaan ni Mayette na bukas ang bahay niya. Paano kung ibang tao ang nakapasok at hindi lang pagkain ang hinahanap kundi may balak pang magnakaw. At paano kung pagkatapos siyang pagnakawan ay patayin pa siya. Maraming nangyayaring krimen nga­yon dahil maraming mahirap at nagugutom. Siya ang matibay na halimbawa. Hanap siya nang hanap ng trabaho pero walang makita. Gutom ang inabot niya. At kung wala si Mayette baka pinasok na ng hangin ang ulo niya. Kung hindi pa siya makakakain sa mga susunod na araw ay baka maging taong grasa na siya. Maghahalungkat siya ng basurahan para makakita ng pagkain. Patambay-tambay siya sa mga karinderya at pinanonood ang mga kumakain. At kahit na inilalahad na niya ang kamay para manghingi ng pagkain, walang may gustong magbigay sa kanya. Habang sarap na sarap sila sa pagkain ay humahapdi naman ang kanyang sikmura.

Hinimas ni Troy ang tiyan. Busog talaga siya. Wala siyang masasabi sa masarap na pagkain na nasa harapan niya.

Nasaan kaya si Ma­yette? Bakit kaya mayroon siyang handang pagkain? Birthday kaya niya?

Nasagot ang mga tanong ni Troy nang makarinig siya ng tinig mula sa may pinto.

“Nabusog ka ba Troy?”

Nang lingunin niya kung sino ang nagsalita, walang iba kundi si Ma­yette.

“Sige, kain pa Troy? Mayroon pang cake sa ref.’’

Hindi makatingin si Troy. Siguro, naiisip ni Mayette na “papaki-pakipot pa e sa kanya rin pala tatakbo”.

Naupo si Mayette sa tabi niya.

“Okey ba ang pagkain, Troy?”

Tiningnan niya si Mayette.

“Hindi ko na natiis ang gutom. Grabe ang naramdaman kong gutom. Pinapasok na yata ang ulo ko,’’ sabi niya

“Alam ko dahil ma­tagal na kitang sinu­subaybayan. Alam ko, nagugutom ka at pupunta rito…”

(Itutuloy)

ALAM

BAKIT

BUSOG

GRABE

GUTOM

MAYETTE

NIYA

PAGKAIN

SIYA

TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with