^

True Confessions

Alakdan (141)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NILAKAD ni Troy ang kahabaan ng Recto. Mula Avenida ay nakarating siya sa kanto Legarda sa pagbabakasakaling may matisod siyang trabaho kahit taga-hugas ng pinggan sa restawran o kaya’y taga-buhat ng kung anu-ano. Wala talaga. Iisa ang sinasabi ng mga pinagtanungan niya, walang bakante at walang hiring.

Lulugo-lugo siyang umu­wi sa kanyang tirahan dakong alas kuwatro ng ha­pon. Nakadama siya nang matinding gutom. Nawala na ang kinain niyang barbecue kanina.

Mabilis niyang hinuga-san ang maliit na kaldero. Kinuha ang plastic na lalagyan ng bigas. Ibinuhos lahat ang bigas na nasa lalagyan at isinaing. Huling saing na pala iyon. May natitira pa siyang isang latang sardinas. Iyon na ang hapunan niya.

Nang maluto ang sinaing, kumain na siya. Sardinas sa umuusuk-usok na kanin. Iyon na yata ang pinaka-masarap na hapunan niya. Halos maubos-ubos niya ang kanin sa kaldero.

Naupo sa gilid ng kama. Inisip ang mga nangyayari sa buhay niya. Kapag wala siyang nakitang trabaho, tiyak na gutom ang hahantungan niya. Saan pa kaya siya pupunta bukas para maghanap ng trabaho? Nagalugad na niya ang Recto pero wala talaga. Subukan kaya niya sa may Quiapo bukas? Bakasakali.

Hanggang sa maalala niya ang ginawang pagmura sa kanya ng superbisor. Nilait-lait siya. Iresponsable raw siya kaya dapat sibakin. Hayup na superbisor, walang awa sa kapwa. Hindi naman siya iresponsable. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Ang gusto siguro ay luluhod sa kanya at magmamaka-awa. Hayup na superbisor! Sana mamatay na ang hayup na yun! Iyon ang galit na naisip ni Troy.

Pagkaraan, naisip naman niya na magbalik na kaya siya sa probinsiya. May mga pinsan pa naman siya sa probinsiya at kahit papaano may tutulong sa kanya. Dito, walang tutulong kahit manigas sa gutom.

Pero nanaig ang pride ni Troy. Kakahiya sa mga pinsan niya kung doon siya mamamalimos.

Dito na lang siya. Mag­hahanap uli siya bukas ng trabaho. Makakakita siya bukas. Hindi siya titigil sa paghahanap bukas.

(Itutuloy)

BAKASAKALI

DITO

HANGGANG

HAYUP

HULING

IBINUHOS

IYON

MULA AVENIDA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with