^

True Confessions

Alakdan (119)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

HINDI na inintindi pa ni Troy ang banta ni Mayette na huwag ma­kikialam. Sa ganoong pagkakataon, na may nangangaila-ngan ng tulong, hindi na kinatatakutan ang anumang banta. Ang isang napansin ni Troy, wala si Mayette sa oras na iyon.

Mabilis nilang na­isugod sa ospital ang papa ni Kreamy. Wa­lang ipinagkaiba sa nangyari nang unang atakehin ang matanda. Dinala sa emergency room. Ni-revive ng mga doctor. Pilit na inaagaw sa kamatayan. Nakita ni Troy ang walang patid na pag-pump ng doctor sa dibdib ng pasyente. Si Kreamy ay walang tigil sa pag-iyak. Habang nakatingin si Troy sa ginagawa ng doctor sa naghihingalong papa ni Kreamy, naalala niya ang mga yumaong Itay at Inay niya. Magkasunod na namatay ang Itay at Inay niya. Sariwa pa sa alaala niya ang lahat. Hindi na siguro mapapawi ang masakit na alaala ng magkasunod na pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Hanggang sa ma-kita niya na tumigil na ang doctor sa pag-pump sa dibdib ng pasyente. Kinabahan si Troy. Anong ibig sa-bihin niyon? Si Kreamy man ay nakatingin sa doctor at parang nahuhulaan na ang nangyari sa ama.

Nang magsalita ang doctor, saka nakum-pirma ang kinatatakutan. Patay na ang papa ni Kreamy. Hindi na nailigtas.

“Papa! Papa!”

Humagulgol si Krea­my. Yumakap sa ama.

Si Troy ay nangi-ngilid ang luha. Alam niya ang damdamin nang nawalan ng magulang.

(Itutuloy)

ALAM

ANONG

DINALA

DOCTOR

HABANG

INAY

KREAMY

MAYETTE

SI KREAMY

SI TROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with