Alakdan (113)
SUNOD na pag-uusap ni Troy at Kreamy ay makaraan ang isang linggo. Ti-next siya ni Kreamy. “Pwde ka b pumnta dto sa bahay?” Sumagot siya ng “Oo.” Sumagot uli si Kreamy, “Wla c Mama. Umalis.’’ Mayroon na namang isusumbong si Kreamy.
Nagtungo siya kina Kreamy. Nag-usap sila sa salas.
“Anong problema, Kreamy?”
“Ipinagbili na ni Mama ang lahat ng lupain namin sa probinsiya…’’
“E di mayroon nang magagastos para sa heart operation ng papa mo.’’
Napatungo si Kreamy. Kasunod niyon ay umiyak si Kreamy. Problemadung-pro-blemado ito.
“Bakit Kreamy?”
“Parang ayaw na ni Mama na ipaopera si Papa.’’
“Ano raw ang dahilan?”
“Kasi hindi naman daw 100 percent na makakaligtas si Papa kahit i-bypass operation siya. Sabi ni Mama baka gagastos daw siya nang pagkamahal-mahal tapos ay mamamatay din si Papa.’’
“Pero di ba kaya ipinagbili ang lupain n’yo e dahil ipa-oopera nga?”
“Oo. Kaya nga nagtungo siya sa probinsiya at ibinenta ang aming lupain.’’
“Paano niya sinabi na ayaw nang ipagamot ang papa mo?’’
“Sinabi mismo sa akin, Troy. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin.”’
“Kung may magagawa lang ako, Kreamy. Kung may maitutulong lang ako.”
Hindi sumagot si Kreamy.
Maya-maya, nagsalita.
“Alam mo Troy parang hindi na tata- gal si Papa!”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending