^

True Confessions

Alakdan (2)

- Ronnie M. Halos -

HABANG kumakain si Troy ay nakabantay si Digol at kinakausap ang pinsan.

“Pasensiya ka na Troy at sardinas lang ang ina­butan mo. Mamayang gabi na lang tayo mag-ulam ng masarap.’’

“Okey lang Digol. Sanay naman ako sa ganito. Kahit nga asin, okey lang sa akin.’’

“Kakahiya sa iyo, Pinsan. Nung umuwi ako nung Pasko e ginataang manok ang pinakain mo sa akin tapos ngayon ay sardinas lang. Hindi ko kasi akalain na ngayon na ang punta mo rito. Kung alam ko, sana nakapagpadeliber ako ng litson, he-he-he.’’

“Napilit ko na kasi sina inay na lumuwas. Ayaw nga akong payagan dahil baka mapaano ako rito. Pero sabi ko sa kanila, walang mangyayari sa buhay namin kung doon ako mamamalagi.’’

“Di ba kaya rin ako nagtungo rito e dahil marami rin akong pangarap? Wala kasing gaanong pagkaki- taan sa atin ano, Troy? Nung umuwi ako parang hindi gumagalaw ang buhay sa atin. Mabagal na parang walang asenso.’’

“Oo nga, Digol. Kaya siguro napapayag ko na si Inay na pumunta rito. Pinabaon nga sa akin yung kaunti niyang naipon. Tipirin ko raw. Makisama raw ako nang maayos sa’yo Digol. Huwag daw akong tatamad-tamad dito.’’

Nagtawa si Digol.

“Nakakatuwa talaga ang inay mo.’’

“Kaya tipid na tipid ako habang patungo rito. Gusto kong bumili ng kakainin sa bus pero pinigilan ko at baka mabawasan pa ang baon ko. Mais nga lang ang kinain ko habang nasa bus, Digol. Sabi ko dito na lang ako kakain sa bahay mo.’’

“Mabuti naman at mabilis mong nakita etong tirahan ko.’’

“May sketch kasi kaya nakita ko agad.’’

Kumuha ng tubig si Digol at ibinigay kay Troy.

“Mainit lang dito, pero kaya naman ng electric fan. Dito ka tutulog sa baba at dun ako sa kama. Kasya tayo rito. Makakaraos tayo rito, Troy.’’

“Oo Digol, kaya ko namang magtiis.’’

Maya-maya may kumatok. Tumayo si Digol at binuksan ang pinto. Babae. Mga higit 50-anyos. Nakadaster. Halatang walang bra. Pinapasok ni Digol.

“Digs, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ng babae.

“Bakit, Mayette?”

“Wala lang.”

Napakamot si Digol sa ulo.

(Itutuloy)

AKO

DIGOL

KAYA

LANG

NUNG

OO DIGOL

RITO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with