^

True Confessions

May isang Pangit (55)

- Ronnie M. Halos -

“MASYADONG mabilis ang mga pangyayari. Maski ako ay hindi makapaniwala na magkakaharap kami ni Alice pagkaraan din naman nang ilang taon na pagsusulatan. Pagkaraan ng ilang buwang pamamalagi sa Pilipinas at halos araw-araw na pag-aasikaso sa papeles patungong Australia, eto na at dumating din ang araw na iyon. Bagamat kinakabahan ako, naroon din ang masarap na fee-ling na sabik na sabik na akong makita ang babaing minamahal.

Bago ang araw na pagkikita namin ni Alice, hindi ako ma­ katulog. Kakahiya tuloy ang itsura ko na mukhang puyat. Lalong nadagdagan ang aking kapangi… oops, sabi nga pala ni Alice at Gina ay huwag kong pintasan ang aking sarili. Hindi talaga ako nakatulog na para bang minamadali ko ang araw na makarating ako sa Brisbane para makita na ang babaing aking minamahal.

“Kinabahan ako ng malapit nang bumaba ang sinasakyan kong Qantas. Ilang sandali na lang at magkikita na kami ni Alice. Sa huling pag-uusap namin (nagtatawagan na kami at hindi na sulat) sinabi niyang maaga siyang magtutungo sa airport. Huwag daw akong kaka­bahan sapagkat baka masira ang porma ko. Relaks lang daw. Siya raw ay magiging relaks din. Sabik na sabik na raw siyang makita ako.

“Habang palapit nang palapit ang pag­­kikita namin, hindi ko ma­ iwasang hindi kabahan. Yun talaga ang nara­ ramdaman ko. Baka kaya mapangitan nang husto sa akin si Alice? Oopps, naawa na naman ako sa sarili. Hindi ko naman kasi mapigil…

“Sa wakas nasa Customs area na ako. Tiningnang mabuti ang mga dala ko sa maleta. Mga pagkain na may label ang naroon. Bilin ni Alice na magdala ako ng mga pagkain na sabik na niyang kainin —may dala akong kakanin, sitsirya, espasol. Tiningnan lamang ang mga iyon ng babaing Customs officer. Sala­mat at walang itinapon. Lahat ay maipapasa-lubong ko kay Alice.

“Habang naglala- kad palabas tulak ang aking baggage cart, nag-iisip ako ng sasa­ bihin kay Alice sa pagkikita namin. Sa-bihin ko kayang “I love you!” Hindi kaya korni yun. O kaya’y “Mahal na mahal kita!” Lalo yatang korni. Ah, bahala na kung ano ang masabi ko.

“Nang nasa labas na ako, iginala ko ang tingin sa paligid. Nasaan kaya ang aking si Alice?

“Hanggang makita ko ang isang kuma-kaway na babae. Si Alice na ba yun?”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALICE

BAGAMAT

BILIN

GINA

HABANG

SHY

SI ALICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with