^

True Confessions

May isang Pangit (8)

- Ronnie M. Halos -

“GUSTO raw ako ni Estrella. Iyon ang sinabi niya na labis na nakagulat sa akin.”

“O e anong naging reaksiyon mo?”

“Hindi ako nakakibo. Nagulat ako. Isang babae ang nagsabi sa akin na gusto ako. Sinong hindi mabibigla sa ganoong sitwasyon?”

“Anong nangyari pag­katapos, Kuya Tiburcio?” tanong ni Torn.

“Tinanong ko si Estrella kung bakit. Sagot niya, basta gusto raw ako. Magkasintahan na raw kami mula sa araw na iyon. Lagi raw kaming magkita sa ilog. Tulala ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ito?

“Tinanong ko siya kung puwede ko siyang dalawin sa kanilang bahay. Pero tumanggi. Dito na lamang daw sa ilog. Mas maganda raw dito at makakapagsolo kami. E di hindi na ako nagpumilit. Mula noon ay lagi na kaming nagkikita sa ilog. Nagkukuwentuhan habang siya ay nag­la­laba. Tinatanong niya ako kung ano ang mga ginagawa ko sa kubo. Hindi ba raw ako naiinip sa kubo. Sagot ko ay hindi naman dahil sanay na ako. Tanong pa niya, e marami na raw akong ipon na pera dahil wala naman akong pa­milya. Sagot ko’y meron namang kaunti dahil marami rin akong naaaning palay at kopra. Nagbebenta rin ako ng mga gulay at kung anu-ano pa. Kumikita rin ako ng ekstra kapag may nagpapagapas ng damo sa palayan.

“Gulat siya. E di ang dami ko raw palang pera. Masuwerte raw pala ang magiging asawa ko.

“Sa mga sumunod pa namang pagkikita ay napapansin ko na parang may gusto pa siyang sabihin sa akin pero nag-aatubili. Parang may problema si Estrella. Nang tanungin ko kung ano ang problema niya ay sinabing tungkol sa utang daw ng kanyang ama. May na­utang daw na pera, pondo raw sa barangay at hindi pa naibabalik. Kapag nag-audit ang mga konsehal ay baka malaman ang pagkakautang at baka kasuhan ang ama.

“Nakita kong lungkot na lungkot si Estrella. Parang wala siyang sig­la. Naawa akong bigla. Tinanong ko kung magkano ang nautang na pera ng kanyang ama. Pero ayaw sabihin. Pinilit ko. Hanggang sinabi rin. Beinte mil pesos daw.

“Naisip ko na mala­king halaga nga yun. Sa karaniwang tao na kagaya ko, malaki ang beinte mil. May naitatago akong ganung pera pero iyon ay inilalaan ko sa ferti­lizer at gamot sa insekto. Kung ipauutang ko kay Estrella paano kaya ako mababayaran? Inisip kong maigi at baka naman mapasubo ako.

“Pero sabi ni Estrella, kalimutan ko raw iyon. Nasabi lang niya dahil wala siyang mapagsabihan ng problema. Naaawa lang daw siya sa kanyang ama na baka makulong dahil nakadespalko. Hanggang sa makita ko na may tumulong luha sa kanyang mga mata….”

“Anong nangyari, Kuya Tiburcio?” Tanong ni Torn.

“Ipinahiram mo ang beinte mil mo, Tibur?” Tanong naman ni Tiya Encar.

Tumango si Tiburcio.

(Itutuloy)

AKO

ESTRELLA

KUYA TIBURCIO

PERO

RAW

SAGOT

SHY

TANONG

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with