Thelma (171)
“CUTE ba?” tanong ni Trevor kay Thelma.
Tinampal siya ni Thelma.
“Sagutin mo ako Thelma, cute bang paborito mong “pet”?”
Napahalakhak si Thelma. Lagi na lamang siyang binibiro ni Trevor.
“Siyempre, cute. Magugustuhan ba kita kung hindi cute yan.”
“Ano kayang ibig sabihin ng may nunal dito sa kuwan ko, Thelma.”
“Ewan ko. Basta ang alam ko, ang may nunal sa dibdib e magaling sa negosyo.”
“Hindi kaya ang ibig sabihin niyon ay ma-“L”?
Napahalakhak uli si Thelma. Talagang kayang-kaya siyang patawanin ni Trevor.
“Oo nga Trevor baka nga ang lalaking may nu-nal sa “ari” ay ma-“L”.
“Ma-“L” ba ako?”
“Medyo.”
“Subukan uli natin, Thelma.”
“Sige.”
Nagmahalan uli sila. Mainit na mainit pareho. Nagbabaga ang kanilang mga katawan.
Nang matapos ang pagmamahalan, kapwa sila nakadama nang matinding kasiyahan. Magkasundung-magkasundo silang dalawa. Pati sa sex ay nagkakaisa. Talagang silang dalawa ang magkatugma.
“Paano kung magkatotoo ang sinabi mo Thelma na ang lahat ng lalaking nauugnay sa iyo ay maaagang nawawala.”
Nainis si Thelma.
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Trevor. Magagalit ako sa’yo kapag ganyan ang usapan natin.”
“Sorry.”
“Alam mo namang noon pa ay ayaw ko na sanang mag-asawa pa dahil nga sa dalawa nang lalaki ang nawala sa akin. Pero dahil mahal na mahal kita, hindi ko na pinaniwalaan iyon. Basta sinabi ko sa sarili ko, hindi totoo iyon at nagkataon lang.”
“Sorry uli. Hindi na ako magsasalita nang ganoon.”
“Hindi ko na makakaya kapag nawala ka, Trevor.”
Hinalikan ni Trevor si Thelma. Pinayapa ang damdamin. Hindi na siya magsasalita ng may kaugnayan sa kamatayan. Ayaw ni Thelma na pag-usapan ang ganoong topic.
LUMIPAS pa ang ilang taon. Kitang-kita na ang pagkakahawig nina Trev at Rovert. Hindi maikakaila na iisa ang ama nila. At hindi akalain ni Thelma, na magtatanong si Trev nang may kaugnayan doon.
Nagkukuwentuhan silang dalawa sa asotea ng kanilang bahay, isang araw ng Linggo. Si Rovert ay nasa kanyang kuwarto at natutulog. Si Trev naman ay nasa Maynila.
“May napapansin ako kay Rovert, habang lumalaki siya ay talagang kamukhang-kamukha ni Trev. Nakita ko ang retrato ni Trev noong bata pa siya at parang pinagbiyak sila ni Rovert. Basta kakaiba ang nararamdaman ko Thelma. Iba talaga.”
“Anong nararamdaman mo?”
“Hindi kaya anak ko rin si Trev, Thelma?”(Itutuloy)
- Latest
- Trending