^

True Confessions

Thelma (160)

- Ronnie M. Halos -

PATULOY si Trevor sa pagkukuwento ukol sa hindi niya pagkakaroon ng   anak sa nakarelasyon.

“Yung nakarelasyon kong babae, e hindi ko nabuntis. Kaya natatakot ako na baka kaya baog ako,” sabi ni Trevor.

Hindi pa rin nagsasali-ta si Thelma. Baka nga kaya baog si Trevor. Baka naman si Trev ay talagang anak ni Delmo. Baka nagkakamali lang siya.

“Kaya gusto kong matesting sa’yo Thelma kung ako nga ay baog,” sabi ni Trevor at saka tumawa.

“Magbubuntis pa kaya ako e 40 anyos na. Baka magkaroon ng deperensiya ang bata.”

“Puwede pa, Thelma. Saka kukunsulta tayo sa doctor.”

“Parang hindi ko na ka-yang magbuntis pa. Kasi nung pinagbuntis ko si Trev ay nahirapan ako. Hirap na hirap talaga ako kaya nasabi ko sa sarili ko, tama na ang isa. Lalo pa’t nang isilang ko si Trev ay kamamatay lang ni Delmo noon. Wala akong karamay sa panahong iniluluwal ko si Trevor.”

Niyakap ni Trevor si Thelma.

“Narito naman ako nga­yon, Thelma. Sakali at ma­buntis kita at manganak   ka, nasa tabi mo ako. Hindi kita iiwan. Pangako.”

Napayakap na si Thelma sa asawa. Naisip niya, bakit hindi niya hayaan kung ano ang gusto ni Trevor. Kung mabubuntis siya ni Trevor e di maganda. Tutal naman ay puwede pa rin siyang manganak. Ang nananaig lamang sa kanya ay takot. Pero ngayong nangako sa kanya si Trevor, nawala   na ang anumang alalahanin na nadarama niya.

“Payag na ako, Trevor.”

“Na magbuntis ka?”

Tumango si Thelma.

Masayang-masaya si Trevor.

“E di umpisahan na natin, Thelma. Kailangang malaman ko kung ogba ako o hindi.”

Kinurot ni Thelma sa braso si Trevor. Nasa isip niya, hindi na kailangang testingin sapagkat sigurado siyang si Trev ay anak ni Trevor. Nakatitiyak siya na anak ni Trevor si Trev sapagkat nakikita ang katibayan ng pagkakamukha ng dalawa. Habang nagbibinata si Trev ay namamana ang mga kilos ni Trevor. Wala siyang makitang namana sa namayapang asawang si Delmo.

Kasunod niyon ay ma­rahan siyang inihiga ni Tre-vor sa malambot na kama. Inumpisahang alisin ang mga sagabal. Maya-maya lang ay uum-pisahan na ang paglikha sa pangarap na bata. Iyon ay kung may kakayahan nga si Trevor. At paano naman kung wala? Saka na lang isipin iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DELMO

THELMA

TREV

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with