Thelma (154)
MAHINA ang usapan nina Thelma at Trevor sa salas. Si Trev ay nasa kuwarto at hinahayaan silang mag-usap. Pero nag-iingat ang da lawa at baka wala silang alam ay nakikinig pala si Trev.
“Pinahihirapan mo pa ako, Thelma. Sabi ni Trev, para raw ayaw mong mag-asawa. Pati ang pagkamatay ng dalawang nauna mong asawa ay idinahilan mo.”
“Siyempre naman kaila-ngang magtagal-tagal ang panliligaw mo. Kung tatanggapin ko agad ang pag-ibig mo e di nahalata tayo. Kaunting pakipot muna.”
Nagtawa si Trevor pero mahina rin. Baka marinig ni Trev ay mabisto ang kanilang “lihim”.
“Pero Trevor, natatakot ako.”
“Anong ikinatatakot mo?”
“Yun ngang dalawang beses na akong namamatayan ng asawa. Baka nga totoo na ang lahat ng lalaking maugnay sa akin ay namamatay.”
“Hindi ako naniniwala sa ganyan, Thelma. Nasa guhit ng palad ng mga na-ging asawa mo na mamamatay sila sa ganoong edad. Kung naging mai-ngat sa pagmamaneho si Delmo, baka buhay pa siya hanggang ngayon. Ang ikalawa mong asawa naman na si Caloy ay nagalit nang husto kaya inatake. Kung hindi siya nagalit nang todo e baka humihinga pa siya ngayon. Kaya huwag mong paniwalaan na ang lahat ng mga lalaking mauugnay sa iyo ay mamamatay.”
“Alam mo Trevor, ayaw ko na kasing masaktan. Kapag ikaw ay nawala pa sa akin, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.”
“Walang mangyayari sa akin dahil maingat ako, malusog ako, positibo ang pananaw ko sa buhay, walang dahilan para ako mamaalam nang maaga sa mundong ito.”
“Kasi’y ang kamatayan daw ay bigla kung duma-ting. Hindi inaasahan.”
“Basta huwag mong isipin ang tungkol dun. Ang pag-usapan natin ay ang pagliligawan. Alam mo exciting ang nangyayaring ito. Inililigaw ako ng anak mo para sa iyo. Siya itong gumagawa ng paraan. At palagay ko, kukulitin ka nang kukulitin ni Trev para sagutin ako.”
“Hindi pa kita sasagutin, Trev kaya maraming beses ka pang pupunta rito para manligaw kuno.”
“Hanggang kailan, Thelma?”
“Basta matagal pa. Hindi ako basta bibigay sa’yo Mr. Trevor Buenviaje.”
“Kahit pa kulitin ka nang kulitin?”
“Oo.”
“Ano ba ang dapat kong gawin para mapaniwala ko si Trev na talagang ni liligawan kita.”
“Puwedeng regaluhan mo ako ng roses, pagkain, bag, at iba pa.”
Napakamot sa ulo si Trevor.
“Ayaw mo?”
“Sige ganun ang gagawin ko.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending