Thelma (43)
‘‘SALAMAT sa paalala mo Ate Marie. Hayaan mo at kapag nahalata kong may gustong gawin sa akin si Mang Caloy ay susuplahin ko agad. Kapag naramdaman kong may binabalak sa akin ay aalma agad ako. Pipigilan ko na agad kung anuman ang gusto niyang mangyari.”
“Ganyan nga ang gawin mo, Thelma. Kasi ang mga lalaki lalo na kung DOM, tetestingin nila ang babae kung bibigay. Sa simula ay patapik-tapik ang mga ‘yan sa balikat, paakbay-akbay, pahawak-hawak sa buhok na kunwari ay parang kaibigan lang. Hanggang sa tatapikin ka na sa braso, sa puwet at kapag hindi ka pumalag, sa may suso ka na sasanggiin. Kapag hindi ka pa rin umalma, yang “tambok’’ mo na ang aasintahin…’’
Natigilan si Thelma sa mga sinabi ni Marie. Parang totoo nga ang mga naoobserbahan niya kay Mang Caloy. Noon, natatandaan niya, nang nakatalikod siya habang nag-aayos ng mga panindang damit ay ilang beses nagdaan si Mang Caloy sa likuran niya. Patagilid nang dumaan sa likuran niya si Mang Caloy at nadama niya na parang may “bakal” na napadait sa kanyang puwet. Ilang beses nagpadaan-daan si Mang Caloy sa likuran niya gayung maaari naming dumaan sa kabilang gilid ng damitan. Hindi siya maaaring magkamali na ang napadait sa likuran niya ang “kargada’’ ni Mang Caloy. At nito ngang mga nakaraang araw ay pakiramdam niyang may nakasilip sa kanya kapag umiihi sa CR. At ngayon, lumalaki ang hinala na si Mang Caloy ang naninilip sa kanya. Tapos ay ang pagkawala ng panty na nakita naman niya sa drawer ng matanda.
“O bakit tila natigilan ka, Thelma?’’ Tanong ni Marie.
Napakislot si Thelma. Naalimpungatan.
‘‘Wala naman Ate. Naiisip ko lang ang mga sinabi mo. Dapat talaga ay mag-ingat ako. Tama ang mga sinabi mo.’’
“Siyempre sino pa ba naman ang magpapayo sa iyo e sa lahat naman ng magpipinsan ay tayong dalawa lang ang closed. Wala na namang ibang magpapaalala dahil wala kang kapatid. Wala na ring magulang. Nabiyuda ka pa nang maaga.’’
“Salamat muli Ate Marie.’’
“Inaalala ko rin itong anak mong si Trev. Kapag may nangyari sa’yo e kawawa si Trev. Napaka-cute pa namang bata. Habang lumalaki e gumuguwapo. Baliw na baliw ako sa anak mo, Thelma.’’
“Marami nang ginagawang kapilyuhan, Ate Marie?”
‘‘Oo pero aliw na aliw ako. Sana nga ay anak ko na lang si Trev.’’
Nagtawa lang si Thelma.
‘‘Kung balak mo namang mag-asawa, Thelma, e nasa iyo yun. Kasi’y bata ka pa. Siyempre hahanapin mo rin na mayroong humihimas sa’yo. Pero kapag naman mag-aasawa ka, iiwan mo na sa akin si Trev. Baka apihin lang kasi ng magiging asawa mo.’’
“Hindi na ako mag-aasawa, Ate.’’
“Huwag kang magsalita ng tapos. Maghahanap ka tiyak ng makakatalik…”
Napahagikgik si Thelma. Naisip naman niya kung may makakatalik siya, sana si Trevor Buenviaje na — na ama ng kanyang si Trev.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending