^

True Confessions

Thelma (42)

- Ronnie M. Halos -

“AKO ang nagpasok sa iyo sa tindahang iyon at ipinakiusap kita kay Caloy pero kapag ganyan na ang ginagawa sa’yo ay ako na rin ang nag-uutos sa iyo na umalis na roon. Marami pa namang mapapasukang tindahan…” Sabi ni Marie kay Thelma. Seryosong-seryoso si Marie na halatang may malasakit kay Thelma.

“Mag-oobserba muna ako Ate Marie. Mahirap naman kung basta na lang ako aalis sa tindahan ni Mang Caloy. Lalo pa nga-yon na namatay ang asa-wa niya, siyempre magulo ang isip nun.’’

“Naku e baka lalong nag-uulol na sa pagnanasa sa iyo ang matandang iyon. Siyempre ngayong wala na ang asawa, e di malaya na niyang magagawa ang lahat.’’

‘‘Pakikiramdaman ko muna Ate Marie. Kapag na­­ pansin kong may binabalak na masama sa akin e di lalayasan ko na.’’

‘‘Bahala ka. Pero kung ako ikaw, hindi na ako babalik dun.’’

‘‘Hindi naman puwede ang ganun Ate kasi gaya ngayon yung kita ng tindahan ay nasa akin. Siyempre kailangang personal kong ibigay yun.’’

Napamulagat si Marie sa nalaman na ang kita ng tindahan ay hawak ni Thelma.

“Nasa iyo ang kita ng tindahan, Thelma?”

“Oo, Ate Marie. Bakit para kang nagulat?’’

“Lagi bang nasa iyo ang kita ng tindahan?’’

“Minsan-minsan lang Ate. Gaya ngayon na hindi nagpupunta sa tindahan si Mang Caloy, e di siyempre nasa akin ang pera.”

“Bakit hindi mo iwan sa tindahan? Ilagay mo sa drawer tapos ay susian.”

“Delikado Ate. Maraming magnanakaw sa palengke. Madali lang sirain ang kandado.’’

‘‘Talagang sinabi sa iyo ni Caloy na iuwi mo ang pera.’’

‘‘Oo, Ate. Ilang beses na. Malaki ang dala kong pera. Namumutok nga ang bulsa ko dahil sa kapal.’’

Napatangu-tango si Marie. Mayroon siyang naiisip. Masama ang kanyang naiisip na kung bakit ipinagkakatiwala ni Caloy ang pera kay Marie.

“Bakit tila nag-iisip ka Ate?’’

“Naiisip ko na pinapainan ka ng pera ni Mang Caloy, Thelma.”

“Paanong pinapainan?’’

“Siyempe marami kang perang hawak. Malay mo baka naiisip ni Caloy na gamitin ang pera para ka niya makuha. Puwede ka niyang paghinalaaan na kinukupitan mo ang pera. Siyempre wala namang resibo. Madali niyang sabihin na kulang ang perang napagbentahan mo.’’

“Hindi naman siguro ganun si Mang Caloy.’’

‘‘Puwedeng mangyari yun, Thelma. At para ka kunwari makabayad sa nawalang pera, hihiling siya na magsiping kayo. Ikaw naman para matapos ang problema, papayag.’’

‘‘Ate hindi naman ako ganun kadali na papayag na sumiping. At saka kung wala akong ginagawang masama bakit ako papayag.’’

“Basta. Ang sa akin lang ay mag-ingat ka Thelma. Wala namang masama kung mag-iingat.’’

(Itutuloy)

AKO

ATE

ATE MARIE

BAKIT

CALOY

LSQUO

MANG CALOY

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with