^

True Confessions

Thelma (28)

- Ronnie M. Halos -

“ANONG paano kapag na­biyudo si Caloy?”

May pagtataka sa ta­nong ni Marie kay Thelma.

“Ibig kung sabihin mag-aasawa pa kaya ‘yun?”

“Diyos ko, sino pa ba naman ang gugusto e matan-da na. Siguro ang gugusto lang kay Caloy ay yung may interes sa pera niya. Kung walang pera si Caloy, walang gugusto sa kanya. At saka wala na sigurong ibubuga ang ganun katanda. Amoy lupa na e.”

“Aba ang lalaki raw ka­hit na 90 na ay nakakaa-sembol pa.”

“Diyos ko naman, kung ang klase naman ni Caloy ang mag-aasembol sa akin ay huwag na lang. Buburuhin ko na lang talaga itong keps ko.”

Nagtawa si Thelma. Ngayon lang niya narinig na nagsalita ng bastos          ang pinsang si Marie.

“Gusto mo ay yung bata, Ate Marie.”

“Oo naman.”

“E paano ka makaka-dampot ng bata e lagi ka na lang nakakulong sa bahay mo. Tapos ay nadagdagan pa dahil inaalagaan mo si Trev. Baka wala ka nang pag-asang makatikim pa ng “luto ng Diyos”, Ate Marie.”

“Tinatakot mo naman ako.”

“E kung makipagkaibi-gan ka kaya sa foreigner? Di ba mayroong nakaka-             pag-asawa dahil lamang sa pakikipagkaibigan.”

“Gusto ko nga sana ka- ya lang natatakot ako na baka ang makilala ko ay yung nam­ bubuntal. Di ba meron daw foreigner na kapag na­ lalasing ay nananakit ng asawa. Diyos ko, hindi pa naman ako gaanong marunong mag-English. Baka Englis-hin ako ay hindi ko maintin-di­han at magalit sa akin.”

Nag­ tawa si Thelma.

“Ang layo na agad ng iniisip mo Ate Marie. Wala ka pa ngang nakikilala ay pag-iingles na ang nasa isip mo.”

“Siyempre naman iniisip ko na ang maaaring mangyari kung sakali.”

Napatangu-tango si Thelma.

“At saka Thelma, kung ang mapapangasawa ko ay fo- reig­ner, halimbawa ay Kano   e di ang laki ng kargada. Hin- di kaya ako mahirapan?”

Humagalpak ng tawa si Thelma. Kung anu-ano na nga ang iniisip ni Marie.

“Makakaya mo yun, Ate. Masasarapan ka pa nga.”

“Talaga bang masarap, Thelma?”

“Oo naman.”

“Hindi ka nahirapan ng una kayong magsex ni Delmo?”

“Kaunti lang. Parang kagat ng guyam.”

Napahagikgik si Marie.

“Baka naman kagat ng hantik, Thelma.”

“Hindi.”

“E bakit ang tagal niyong mag-anak ni Delmo. Inabot ng ilang taon bago kayo nakabuo. Tapos nang makabuo ay saka naman nawala.”

Biglang nalungkot si Thelma. Naalala niya ang kasalanan kay Delmo. Namatay ito na ang buong paniwala ay sa kanya ang pinagbubuntis. Walang kamalay-malay na ang manunulat na si Trevor Buenviaje ang nakaasembol.

“Ay sori Thelma, bakit ba naitanong ko yun. Sori ha. Kasi’y kung saan-saan na napunta ang usapan natin.”

“Okey lang Ate. Naalala ko lang kasi si Delmo. Kasi’y malapit na ang birthday niya.”

“A ganun ba? Siya, tama na ang kuwentuhan. Bukas na lang uli. Magpahinga ka na at siguradong mapa­pagod ka na naman sa tindahan ni Caloy.”

“Sige Ate.”

Kinabukasan, pagpunta niya sa tindahan ay naroon na si Mang Caloy. Akala niya ay wala ito dahil dinala sa ospital ang asawa. Bakit kaya maaga ito? (Itutuloy)

ATE MARIE

CALOY

DELMO

DIYOS

LANG

NAMAN

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with