^

True Confessions

Takaw (69)

- Ronnie M. Halos -

DALAWANG ring ng phone ni Mam Mina bago ito sinagot. Si Mam Mina.

“Hello, Mam Mina. Si Trevor po ito.”

“Trevor sorry kahapon at naputol ang usapan natin..”

“Okey lang Mam.”

“Nasaan na nga tayo?”

“Mam wala pa po. I mean, wala pa akong nakukuha para sa susunod na kuwento.”

“A, oo, naaalala ko na. Gusto mo mga true story ng illicit affair. Ayaw mo ng imbento lang dahil hindi mo ma-feel. Hmmm, teka paano nga ba kita matu-tulungan…”

“Mam okey lang po kung wala kang maitulong. Kaya lang naman ako tumawag muli ay dahil wala lang akong magawa dito sa tirahan ko.”

“Ganun ba?” Sabi ni Mam at nagtawa. Pati pagtawa ni Mam Mina ay halatang edukada.

“Kakatawa ano Mam Mina. Wala akong magawa kaya tumawag.”

“Hindi sa nakakatawa kaya ako biglang nagtawa, Trevor. Kasi yung pagkakasabi mo ay talagang nagsasabi ka ng totoo. Wala kang magawa kaya mo ako naisipang tawagan. Napakainosente mo.”

Si Trevor naman ang nagtawa sa sinabi ni Mam Mina.

“Ikaw lang Mam ang unang nagsabi na inosente ako at nagsasabi ng totoo.”

“Talaga? Tingnan mo nga naman at ako pala ang makapagsasabi ng ganun. Mabuti pala at nagkakilala tayo sa bus terminal.”

“Oo nga Mam. Napakasuwerte ko at nakilala kita. Mayroon na akong nakakausap at palagay ko ay makikinig sa akin.”

“Aba at talaga palang malaki ang ini-expect mo sa akin. Trevor.”

“Iyan naman Mam ay kung mayroon kang panahon. Kung wala naman ay okey lang po.”

“Napakahusay mong magsalita, Trevor. Manunulat ka nga.”

“Kasi nga Mam ay masarap kang kausap. Sana nga ay magkaroon ka ng panahon na magkausap tayo.”

“Oo naman. Sige, mula ngayon ay lagi na tayong magtawagan.”

“Talaga Mam?”

“Oo. Sige akinang number mo at ako ang tatawag sa’yo para hindi ka naiilang.”

Ilang beses napalu-nok si Trevor.

(Itutuloy)

KASI

LANG

MAM

MAM MINA

OO

SI MAM MINA

SI TREVOR

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with