^

True Confessions

Ganti (81)

- Ronnie M. Halos -

Pagbalik ni Encar sa Nagcarlan ay kasama na nito ang nobyong si Nado. Ipinakilala ni Encar si Nado kay Lorena at mga kasa-mahang tindera.

‘‘Ate Lorena si Nado po. Inihatid ako rito sa Nagcarlan para makilala ka at para na rin makita ang anak ko.’’

‘‘Kumusta po Ate Lorena.’’

‘‘Mabuti naman Nado. Ikaw kumusta ka?’’

‘‘Okey lang po, maliga­yang-maligaya dahil nagkita na kami ni Encar. Akala ko po hindi na kami magkikita. Ang tagal kasi bago niya sinabi ang lahat ng nangyari. Akala niya iiwan ko siya. Mahal na mahal ko siya Ate. Gusto na po naming magpakasal kaso e kulang pa ang naiipon ko. Ngayon kasi’y pasulpot-sulpot ang trabaho ko.’’

“Ano ba ang trabaho mo, Nado?’’

‘‘Taga-katay po ng baboy at baka sa palengke.’’

“Ganun ba, e di sanay na sanay ka sa mga part ng baka at baboy ganun din sa pagtadtad at pagtitimbang?”

“Opo Ate Lorena. Master na master ko na po dahil matagal na akong kumakatay, naghihiwa at nagtitimbang ng karne.’’

“E di tamang-tama. Ikaw ang hinahanap ng anak kong si Edel. Gusto niya yung sanay na sanay sa karne. Balak niya na magtayo ng meat shop, yun bang style na ginagawa ngayon ng mga leading meat company. Ano sa palagay mo Nado?”

“Kayang-kaya ko po yun, Ate. E kailan daw po sisimulan ang project?”

“Tinatapos lang ni Edel ang study at maghahanap na siya ng puwesto.”

“Sige po Ate. Gusto po ni Encar dito na kami manira­han pagkakasal namin. Ayaw daw niya mapalayo sa’yo. Ang laki raw ng utang na loob niya sa’yo. Hindi ka raw iiwan kahit anong mangyari.’’

Gustong mapaiyak ni Lorena sa sinabi ni Nado. Pag­karaan ay nagpasya na si Lorena ukol sa balak na pagpapakasal nina Encar at Nado.

“I-set na ninyo ang date ng kasal at dito na kayo mag­pakasal. Para mairaos na at alam kong atat na atat na ka-yo,” sabi ni Lorena na nakangiti.

Lumapit si Encar kay Lorena.

‘‘Ate, kulang nga ang pera ni Nado. Ayaw naman daw niyang mapasubo siya kaya sabi niya mag-iipon muna kahit mga isang taon lang.’’

‘‘Ako na ang bahala sa gastos. Basta i-set na ninyo ang kasal. Para makapagsimula na kayo.”

Napaiyak si Encar.

‘‘Napakabuti mo talaga Ate Lorena. Wala kang katulad.’’

Minsan pa, nakadama ng kasiyahan si Lorena. Ganito pala talaga ang gu­magawa ng tulong sa kapwa. Magaan na maga­an ang katawan niya. Para bang nakalutang siya sa matinding kalighayahan. Gagawin niya ang lahat para makatulong.

(Itutuloy)

ANO

ATE

ATE LORENA

ENCAR

LORENA

LSQUO

NADO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with